Jake Cuenca beating around the bush about rumored breakup with Roxanne Guinoo

Bukod sa pagiging isa sa pinaka-busiest talent ng Star Magic at ABS-CBN, isa rin sa masasabing gusto talagang ma-interview ng entertainment press si Jake Cuenca dahil sa isyung break-up nila ng ka-loveteam at girlfriend na si Roxanne Guinoo.

Kaya naman sa isinagawang birthday presscon kahapon, December 13, ng Star Magic para sa kanilang December celebrants, ang tungkol sa isyung break-up nila agad ni Roxanne ang itinanong kay Jake ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

“We’re okay,” pasakalye ni Jake. “Right now, me and Roxanne are still in good terms naman. We still talk every day… Basta sa ngayon, I don’t really wanna go into details about a lot of things right now. Siguro there’s stuff na I want to keep to myself muna. Basta, I can assure everyone na kapag nagkita naman kami, we’re okay. We talk every day. We know what we are doing every day.”

Jake Cuenca beating around the bush about rumored breakup with Roxanne Guinoo

All throughout the interview, walang anumang binanggit si Jake kung sila pa ba o kung totoong break na nga sila ni Roxanne. In fact, ang madalas lang nitong sabihin ay ang kagustuhan at pakiusap na huwag munang idetalye kung anumang namamagitan sa kanila ni Roxanne ngayon.

Kahit kung cool-off lang ba sila ay ayaw rin magbigay ng detalyadong sagot ni Jake. Pero aminado ang young actor na may space nga raw sa pagitan nila ni Roxanne.

“Right now naman kasi, may space naman talaga. Kasi, we’re doing different things. I’m doing Palos and at the same time, she’s doing another soap which is launching din naman niya ‘yon. ‘Tapos sa ngayon, wala na ako sa Lastikman, namatay ako [his character] kailan lang. So, may space talaga. We have different works right now,” paliwanag niya.

Sa palagay ba ni Jake ay disadvantage din on his part ang may seryosong lovelife? Isa kasi siya sa busiest among Star Magic talents—he’s part of That’s My Doc, ASAP ‘07, at ang launching TV show niya na Palos.

“Hindi, not at all,” tanggi niya. “Si Roxanne naman kasi, she really helped me. We work every day talaga. Uwi namin, talagang ligo lang. I mean, she really got me through that. Siguro lang sa ngayon, for both of us, we should be prioritizing our work lang. Siya rin naman, ang tagal na rin niyang hinintay anumang nakukuha niya ngayon.

“Right now, we have to prioritize our work and realize that we’re very lucky,” banggit ni Jake.

THE EMBASSY INCIDENT. Ang isa sa lumalabas na dahilan diumano ng break-up nila ni Roxanne ay ang tila pagka-turn-off ni Jake sa ipinakitang attitude ng young actress nang balitang malasing ito sa birthday party ng ABS-CBN executive na si Deo Endrinal sa Embassy Bar at pagselosan ang another ABS-CBN talent na si Denise Laurel—na nakatrabaho rin ni Jake noon sa defunct youth-oriented show na Click sa GMA-7.

Ano ang masasabi ni Jake sa isyung ito?

“Wala, wala…kasi with me and Denise naman, we’re just friends. At naiintindihan ni Roxanne ‘yon. Kasi ever since I started in showbiz, kasabay kong pumasok si Denise, e,” pahayag ni Jake.

Kung walang ganung insidente na naganap sa Embassy, ano’t kalat na ang sinasabing eksena nga raw na ginawa ni Roxanne?

“Baka naman medyo na-misconstrued lang ng mga tao. Pero wala… During the party, masaya, masaya lahat. Alam ko, okay naman sila ni Denise. Nagkasama kami noon sa Natutulog Ba Ang Diyos. Okay naman ang working relationship namin noon nina Joross [Gamboa, Roxanne’s ex-boyfriend] at Denise.

“And yung nalasing, hindi naman… Of course, it’s a party, we were drinking. Pero hindi siya [Roxanne] nalasing,” pagdepensa ni Jake sa kasintahan.

RICH GAY BENEFACTOR. Tinanong din ng PEP si Jake tungkol naman sa lumalabas na balita na kaya raw sila nag-break ni Roxanne ay dahil hindi na raw makayanan ng young actress ang hindi mamatay-matay na isyu na nagli-link kay Jake sa isang rich gay.

“Yung sa amin naman, alam ko na idinepensa ako ni Roxanne dun. Alam niya ang totoo at saka alam n’yo, sa maraming-maraming isyu na lumalabas tungkol sa akin, hindi siya naniwala kahit isang beses,” sabi ng binata.

Pero bakit nga ba hindi mamatay-matay ang naturang isyu na nagli-link sa kanya sa mayamang bading daw?

“Hindi nga mamatay-matay, e,” pagsang-ayon ni Jake. “Ang sa akin naman, siguro naman, nakikita ng mga tao na I work hard personally dahil magre-reflect din sa akin ‘yon. Mapapanood sa TV. Ang sa akin naman, gusto ko lang namang galingan kasi ngayon lang naman dumating sa akin ang mga ganitong opportunity, e.

“Una na nga yung sa fashion designer… Ang sa akin naman, all the things that I wear, you can buy it in malls. It’s not custom-made for me. ‘Tapos yung P30,000 [payment for one-night stand]? Bakit ko kakailanganin ng thirty thousand pesos, e, nagte-taping naman ako?

Ipinaliwanag din ni Jake na hindi talaga pera ang goal niya sa pagpapakapagod at puyat sa kanyang showbiz career.

“My family naman… I’m not saying naman na wealthy, but we are okay. Mid-class. So, parang…I was really raised na if I want something, you work for it. Hindi naman kami tinuruan to take the short cut in life. Siguro naman, I’ve proven that na rin. Matagal na rin ako sa showbiz at ngayon lang ako sinuwerte and I’m aware of that kaya naman inaalagaan ko. So, siguro naman po, kahit paano, it also shows what my personality is,” pagtatanggol ni Jake sa sarili.

Lastly, nang tanungin kung totoong isinoli ni Roxanne ang singsing na ibinigay niya rito nang mag-break sila, halatang nagulat si Jake at sabay sabi ulit na he wants to keep everything to himself muna.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

3 Comments »

  1. 1
    ann Says:

    I’m sad. sna it’s not true

  2. 2
    Ami Says:

    Sana naman hindi totoo na nag break na sina Jake at Roxanne…

  3. 3
    Ami Says:

    co’z there so cute together…


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: