“Darna” Lilipad ulit sa GMA sa 2008

Isinama kami ni Ms. Wilma Galvante, Senior Vice President for Entertainment ng GMA 7 sa 7th floor ng GMA Building.

May pakontes pala ang GMA sa pagandahan ng dekorasyon sa bawat floor kaya super-effort ang mga employees ng bawat floor para manalo.

Maganda ang konsepto ng Christmas decoration sa 7th flooor dahil fantaserye ang tema at sa TV screen, ipinalalabas ang mga local superheroes na ipinakilala ng network sa publiko tulad ng Mulawin, Captain Barbell, Majika, at Encantadia.

Pero what caught our attention ay ‘yung kawalan ng mukha ni Darna na ginawa ni Angel Locsin sa network. May spiel pa nga na ‘dahil lumipad na si Darna sa kabilang istasyon, naghahanap ang network ng lalabas na Darna.

“Kaya boto ka na kung sino ang type mong lumabas na Darna,” sabi sa amin ni Ma’am Wilma.

Isa kasi ang Darna sa gagawing muli ng GMA next year along with Dyesebel. Pero ang balita namin, hindi na kay Marian ang Dyesebel. Mas lamang daw si Rhian Ramos sa project.

Teka, hindi naman kaya si Marian ang lalabas na bagong Darna? After you, Angel Locsin talaga ang drama niya, huh!

JUN NARDO
Abante Online

Advertisements

1 Comment »

  1. 1
    As Says:

    d bagay c Marian masyado cyang lousyat pa-cute and ang bagay ay yung super energetic at makakapantay sa energy level ni Angel Locsin.


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: