Toni Gonzaga lightens up the heavy drama “Maging Sino Ka Man”

Simula sa Lunes, December 17, magsisimula nang mapanood si Toni Gonzaga sa Book 2 ng ABS-CBN drama series na Maging Sino Ka Man bilang Monaliza “Onay” Dimaano.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang member of the press si Toni sa solo pocket presscon para sa kanya sa Chronicle Lounge ng 9501 restaurant sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN kaninang tanghali, December 12.

Ayong sa young actress, ang character niya raw ang magbibigay ng lightness sa madadramang character at tagpo sa Maging Sino Ka Man.

Toni Gonzaga lightens up the heavy drama

“I’ll play the role of Onay. Not really kikay but very natural. Street-smart, madiskarte siya sa buhay. Very positive kasi siya yung taong full of hope,” paglalarawan ni Toni sa gagampanang role.

Nakilala si Toni hindi lang bilang isang magaling na host kundi sa genre ng romantic-comedy. As we all know, ang Maging Sino Ka Man ay isang klase ng teleserye na punumpuno ng drama at nakilala rin ang mga artista rito bilang magagaling na aktor at aktres. Kaya naitanong kay Toni kung magiging daan kaya ang naturang drama series para kilalanin din siya as a serious actress.

“Hindi, kasi every time I accept a project, it’s not to overpower any of the cast. For me, it’s more of a challenge,” saad ni Toni.

May pagka-offbeat ba ang character niya rito?

“I don’t know if offbeat ang right term,” sagot niya. “Basta si Onay, she doesn’t deal with the drama of her life. She doesn’t runaway from it, pero she tries to look at the brighter side instead of dealing or focusing doon sa mga pangit.”

Sa pagpasok ni Toni sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man, marami ang nag-iisip na magiging ka-love triangle siya nina Sam Milby at Anne Curtis dito. Pero pinabulaanan ni Toni ang ganitong anggulo.

“No, it won’t be a love triangle,” paglilinaw niya. “I won’t try to steal anyone. There won’t be any stealing. Basta yung role ni Onay, papagaanin niya lahat. May koneksiyon siya sa lahat ng character. Kung ano ‘yon, secret!”

Naitanong din ng PEP kay Toni kung hindi ba pumasok sa isipan niya bago tanggapin ang drama series na ito na baka posibleng magalit sa kanya ang nabuo naman nang following nina Sam at Anne sa Maging Sino Ka Man. Although, bago pa man nagkasama sina Sam at Anne sa isang teleserye, nagtambal na sina Toni at Sam sa pelikula.

“Naku, wala naman po akong balak na mang-agaw ng loveteam!” sambit ni Toni. “Of course, that would be the initial reaction. I already discussed it to the Maging Sino Ka Man people and to the management. And that’s the reason why I’m very skeptical at first to accept the project. Because no matter how you look at it, with the whole ensemble of the cast, I will always be associated with Sam. But the management assured me that there will never be a love triangle.”

Totoo bang nagkaroon siya ng apprehension to accept the show when it was first offered to her?

“Well, of course, for me, on my part, when I was considered to be a part of Maging Sino Ka Man, I was very overwhelmed. But more than that, I was scared. I was nervous because Book 1 already made a mark and it was very successful. For me, of course, I got scared Pero they explained it to me naman and the management. They made me sit down with them,” lahad niya.

Bago pa masimulan ang Book 2 ng Maging Sino Ka Man, may mga balita nang naglalabasan na mawawala si Anne sa Book 2 or hindi na magtatagal ang character niya. Sa pagpasok ba ni Toni sa show ay ibig sabihin nito ay siya na ang papalit kay Anne?

“Wala naman pong papalitan and I will not replace anyone in the soap. Whoever is in the soap right now and whatever their character is, they will always remain to be what their character is,” paniniguro ni Toni.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: