Rufa Mae Quinto admits rumored rift with Marian is Mother Lily’s idea

Nagbabaliw-baliwan na naman ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto nang abutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Bubble Gang, a few shots bago idaos ang Christmas party ng cast at production staff nito sa Filmex studios noong December 10.

Aliw na aliw siya sa mga kuwento tungkol kay Mother Lily Monteverde. Pero ngayon lang daw kasi niya nakakatrabaho ang Regal producer.

“Ngayon lang kami parang nagiging close ni Mother,” sambit ni Rufa Mae. “Doon kasi sa Ako Legal Wife, hindi kami nagkaroon ng chance na nagkakasama talaga, nagkakakuwentuhan. Ito lang nang gawin namin ang Desperadas na nagkaroon kami ng close encounters.”

Rufa Mae Quinto admits rumored rift with Marian is Mother Lily's idea

Ibinuking ni Rufa Mae na pakana at gimmick lang ni Mother Lily ang mga away-away kuning nila ni Marian Rivera habang nagsu-shooting sila ng Desperadas.

Sabi ni Rufa Mae, “Bakit? Sino ba ang nale-late sa shooting? Mayroon ba? Nagugulat ako. ‘Tapos, si Mother na mismo ang nagsalita sa presscon, kaya sinabi ko talaga, e, baka gimmick lang niya yung mga lumalabas. Okay lang siguro para pag-usapan, kaya lang, nega para sa amin ni Marian na para bang lumabas na may insekyuran. At never naman akong mai-insecure talaga kahit kanino.

“Tumagal akong ganito sa business na ito dahil trabaho ko ang iniintindi ko. Walang mangyayari sa akin kung ang lagi kong mararamdaman, nauungusan na ako ng kahit na sino. That’s not healthy,” pahayag pa ng komedyana.

VISIT FROM THE SENATOR. Sa last taping ng Bubble Gang for the year 2007, dumalaw pa si Senator Bong Revilla. Si Rufa Mae ba ang dinalaw ng senador?

“Hindi ko naman siya masisisi kung nami-miss na niya ako!” at natawa nang malakas si Rufa Mae. “Wala naman talaga. Kasi, kahit anong tanong tungkol sa amin ni Bong, deadma lang ako. Magkaibigan kami nung tao. May pinagsamahan kami. At saka nagpu-promote ‘yon ng Resiklo kaya napadpad sa taping namin.”

Tinanong namin si Rufa Mae nang diretsahan kung totoo ba yung naba-blind item na pinagsabihan siya ni Lani Mercado dahil ungot daw nang ungot ang comedienne ng kung anu-ano sa asawa nitong si Bong?

“Ano ‘yon? Walang ganyan! Galante naman ‘yang si Bong, pero never akong humingi o umungot sa kanya ng kung anu-ano. Walang ganyang incident na kinausap ako ni Lani, o pinagsabihan. Sa totoo lang, masasabi kong makahaharap akong diretso ang tingin sa mga mata ni Lani dahil hindi ako guity, ‘no?” sabi ni Rufa Mae habang namumungay ang mga mata.

Si Gretchen Barretto ba, nakakatingin nang diretso kay Lani?

“Ayokong mag-comment diyan,” sagot ni Rufa Mae. “Malay ko ba? Hindi ko naman sila nakikitang nagtititigan. Mga kaibigan ko sila. Wala akong alam. Deadma!”

AGE DOESN’T MATTER. Nagkakaimbiyernahan ba sila ng co-star niya sa Desperadas na si Ruffa Gutierrez? Bakit hindi niya matanggap ang sinabi nitong halos magkasing-edad lang sila ni Ruffa?

“E, hindi naman kasi talaga,” giit ni Rufa Mae. “Okay kami ni Ruffa, at enjoy na enjoy nga siyang nakakasama ako, lalo sa shooting ng Desperadas.

“Nasa thirties na niya si Ruffa. Wala pa naman akong treinta anyos, at mas nauna siyang pumasok sa showbiz. Bata pa siya nang pumasok sa showbiz, pero nauna talaga siya. Walang dahilan para magkaimbiyernahan kami,” paliwanag ni Rufa Mae.

UNLUCKY IN LOVE. May hula kay Rufa Mae na mas okay na mag-concentrate na lang siya sa career. Hindi raw magiging masuwerte sa kanya ang pag-ibig, lalo na sa 2008, sabi pa ng ilang psychics. Ano ang masasabi niya rito?

“Siguro nga, pero ‘pag in love kasi ako, hindi ko iniisip na may epekto yung masama sa career ko,” sabi niya. “May mga bagay lang na hindi magandang nangyayari kadalasan. Pero okay lang na talagang walang love.

“Yun nga lang, masasabi kong mas masarap pa rin ang feeling ‘pag mayroon. May time na hahanap-hanapin mo ‘yon. Alam ko kung paano dadalhin ang ganoong situwasyon. Hindi naman ako ang tipong nagpapakabaliw sa pag-ibig,” pagtatapos ni Rufa Mae.

ARCHIE DE CALMA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: