Jennylyn Mercado out, Lian Paz in at Mark Herras’s birthday concert

Turning 21 ang first StarStruck Male Survivor na si Mark Herras this Friday, December 14. That night, he is staging his birthday concert na pinamagatang BAD (Bump And Dance): The Mark Herras Birthday Concert sa Music Museum.

Nagbigay ng isang mini-presscon ang GMA Artist Center last Tuesday, December 11, sa Timog Avenue for this event. But the night before, December 10, nakausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa Station 168 Internet Café. sa Tomas Morato. At that time, kagagaling niya lang din sa rehearsal for the concert sa GMA Network at nagpapahinga lang siya bago umuwi.

Jennylyn Mercado out, Lian Paz in at Mark Herras's birthday concert

Kuwento ni Mark, hindi lang hip-hop ang isasayaw niya rito dahil mag-e-experiment din siya ng iba’t ibang klaseng dance for this concert.

We asked Mark kung sinu-sino ang mga guests niya and he mentioned his girlfriend EB Babe member Lian Paz, ang partner niya sa My Only Love na si Rhian Ramos, ang best friend niyang si Rainier Castillo and original StarStruck partner Yasmien Kurdi, at sina Wally at Jose ng Eat Bulaga.

Dahil three of original Final Four ng StarStruck ang magkakasama that night, tinanong namin si Mark kung sasali rin ba si Jennylyn either as special guest or kahit sa audience man lang.

“Hindi po,” simpleng sagot ni Mark.

Nang preparation pa lang kasi ng concert, tinanong na raw ni Mark ang common handler nila ni Jennylyn sa GMA Artist Center kung pupuwede sa araw na ‘yon si Jennylyn.

“May taping siya the whole day ng La Vendetta, so hindi ko na po siya tinanong kung pupuwede siya,” paliwanag ng young actor.

Dagdag namin, kung gugustuhin niya, puwede niya namang yayain nang personal si Jennylyn, being a former flame at birthday niya naman.

Hindi na ito sinagot ni Mark dahil bukod sa mayroon na rin namang boyfriend si Jennylyn na si Patrick Garcia, nasa show naman ang bagong girlfriend ni Mark na si Lian.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: