GMA Artist Center renews contract of Jennylyn Mercado

Tukoy sa blind item na lumabas sa isang tabloid na si Jennylyn Mercado ang young actress na gusto nang magpa-release sa kanyang home network.

Ayon sa column item, nagpadala na raw ng official letter of request ang manager ng young actress sa management ng TV station at naghihintay na lamang sila ng sagot. Ayaw man daw ng young actress na umalis sa kanyang TV network, pero kung wala raw namang matinong projects na ibibigay sa kanya ang management, mas mabuti raw kung pakawalan na lamang siya. Pero mukhang ibang sagot ang dumating kina Jennylyn at sa manager nito na si Becky Aguila.

Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang GMA Artist Center at tinanong kung totoong nagpadala ng letter of request si Jennylyn at ang manager nito para i-release na nila ang young actress.

GMA Artist Center renews contract of Jennylyn Mercado

Ayon sa nakausap naming taga-Artist Center na ayaw magpabanggit ng pangalan, “As far as I know, kami ang nagpadala ng letter sa kanya [Jennylyn] na ini-inform namin siyang kailangan na niyang pumirma ng another contract sa GMAAC, as option ng kanyang contract na matatapos na sa February 2008. Specified kasi sa contract niya sa amin na kami ang may option na i-renew pa ng another year ang contract niya kaya hanggang 2009 pa ang contract niya sa amin.

“As to her projects,” patuloy niya, “hindi naman siya pinababayaan. Hinahanapan siya ng project na babagay sa kanya. Kung hindi man nila tinanggap ng manager niya ang Joaquin Burdado, tuloy pa rin ang taping niya ng La Vendetta.

“Bago matapos ang La Vendetta sa January 2008, magsisimula na siyang mag-taping ng Maging Akin Ka Lamang. Nag-story conference na sila last Tuesday [December 11] with Direk Gil Tejada na siya ring direktor ni Jennylyn sa La Vendetta. After the New Year, magsisimula na silang mag-taping. First team-up nila ito ni Patrick Garcia sa GMA-7,” pahayag pa ng taga-Artist Center na na nakausap ng PEP.

Siguradong kahit ang mga fans ni Jennylyn ay matutuwa kapag nalaman nila na may bago nang soap opera ang kanilang idolo.

Samantala, sa mga nagtatanong kung tuloy ang pagge-guest ni Jennylyn sa Bump And Dance birthday concert ni Mark Herras sa Music Museum bukas, December 13, sinabi ng young actor sa PEP na hindi raw puwede si Jennylyn dahil may taping ito ng La Vendetta sa Sta. Rita, Pampanga.

NORA CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: