Ara Mina admits considering ABS-CBN’s offer, but will not leave GMA-7

Isang malaking desisyon umano ang gagawin ng aktres na si Ara Mina sa 2008 para sa kanyang career. May kinalaman ito sa napipintong paglipat niya sa ABS-CBN. Nakapag-guest na siya sa ilang shows at makakasama pa siya ni Willie Revillame sa special edition ng Wowowee sa U.S. this December.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa Christmas party ng Bubble Gang noong December 10, sa Filmex Studio sa Makati City.

“Hindi talaga paglipat,” paglilinaw ni Ara. “Wala akong exclusive contract sa GMA-7 kaya nakakapag-guest ako sa ABS-CBN. Hindi rin ako pipirma if ever ng exclusive contract sa ABS-CBN, pero mayroon talaga silang offer na kinu-consider ko.”

Masaya raw si Ara sa offer na ito. Nabanggit nga namin sa kanyang kalat na kalat nang siya ang papalit kay Angelika dela Cruz sa Prinsesa ng Banyera sa paglipat naman ng huli sa GMA-7.

Ara Mina admits considering ABS-CBN's offer, but will not leave GMA-7

“Nakatutuwa, ‘no?” sabi ni Ara. “May lumipat sa Siete, may papasok sa Dos. Ganoon lang siguro ‘yan. Kung saan ka mas okay, e, di doon ka. Ang kaibahan ko lang, okay sa GMA-7 ang decision kong ito, pero hindi ko rin iiwan ang Siete, lalo na ang Bubble Gang. Puwede naman. Hindi lang pupuwedeng dalawang nagkakatapat na programa, e, nandodoon ako.

“At saka yung sa Dos, one-shot deal ‘yon. Walang exclusivity. Maganda ang ino-offer nilang role sa akin. Hindi naman ako talaga kapalit ni Angelika doon [Prinsesa ng Banyera]. Kumbaga, may papasok na bagong character. Hindi pa rin ako allowed na magsalita dahil wala pang katiyakan ang tungkol diyan. Kasi, sa totoo lang, nag-e-expect ako ng counter-offer from GMA-7 kapag natiyak nilang may gagawin ako sa Dos.

“Inaamin kong hindi ko nagustuhan yung offer nilang [GMA-7] gumanap na akong mother kay JC de Vera [sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita]. Alam kong darating din ako sa mother roles, pero huwag nilang madaliin dahil wala pa akong treinta anyos para gumanap na nanay ng isang teenager, o ng isang nasa early twenties na niya, gaya ni JC.

“I’m just being honest. Kung tatanggapin ko ‘yan, malilimitahan na ako. Alam kong nauuso ang mga mother role na ibinibigay sa mga bata-bata pang artista. Pero sorry, may iba kasing plano para sa career ko. At hindi ako magiging convincing na maging nanay na ng grown-ups. Hindi ko ‘yan mabibigyan ng justice dahil mayroong ibang mas bagay para sa ganyang roles,” paliwanag ni Ara.

Nilinaw ni Ara na hindi naman daw siya nagmamaladita. Kaya lang, kung may offer sa Dos na mas pabor para sa kanya, bakit niya raw tatanggihan?

“Gusto kong mag-project ng image ng artistang malayang nakakapagtrabaho sa dalawang networks,” sambit ni Ara. “Ang tingin ko nga diyan, hindi na dapat pinaiiral ang network war kung gusto nilang umasenso ang industriya, mas maraming magkaroon ng trabaho.

“Beneficial ang mga bagong kumbinasyong mabubuo para sa networks. Mas maraming matutuwa sa ganun. I’m so happy, welcome ako sa dalawang networks, at mas makabubuti ‘yon sa career ko.”

WITH BLESSING. Nagsimula nang maramdaman ng publiko ang presence ni Ara nang makapag-taping na siya ng ilang shows sa Dos as guest.

“Noong una siyempre, nangangapa ako. Pero parang nagbalik lang ako. When I was starting to build a name as Ara Mina, nakasama ako sa Sa Linggo nAPO Sila at sa Sabado Live, both ABS-CBN shows.

“Nanibago lang ako. Pero kung mapapadalas ang pagge-guest ko sa kanila, at kung may regular na ngang trabaho, I don’t think magkakaroon ako ng problema.

“‘Tsaka may blessings ako from GMA executives, na habang wala pa silang project na bagay talaga sa akin, payag sila sa ganoong set-up. Tiniyak ko sa kanilang Kapuso pa rin ako, kahit welcome din ako bilang Kapamilya. Kung pupuwede naman, why not?” nangingiting sabi ni Ara.

SISTERS ACT. Sa 2008, may mga nagsasabing baka lumipat din si Cristine Reyes sa ABS-CBN at gumawa na ng projects doon. Kung ganyang may gagawing project si Ara sa Dos, asahan din daw na hindi nalalayo si Cristine sa paglipat. Ano ang masasabi ni Ara dito?

“Hindi kami package deal ni A’a [palayaw ni Cristine],” diin ni Ara. “Sa parteng ‘yan, ayoko na ngang magsalita dahil noon ay napagbintangan na akong nakikialam sa career ng kapatid ko. Kaya nga may ibang nagma-manage sa kanya.

“Sa pagkakaalam ko, tinanggap na uli ni A’a ang Joaquin Burdado opposite Robin Padilla. Wala naman akong sinasabi noong nasabi niyang tinanggihan na niya noong una.

“Hindi ko alam kung ano ang gustong gawin ni Cristine sa career niya, pero bahala siya doon. May sarili siyang career, at hindi porke gagawa ako ng project sa ABS-CBN, e, susunod na siya sa akin. May kontrata siyang dapat tuparin para sa Siete,” diin ni Ara.

ARCHIE DE CALMA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: