Snooky Serna wants to publish her own compilation of poems

Gusto ring pasukin ng aktres na si Snooky Serna ang mundo ng pagsusulat ng libro. Na-inspire daw kasi si Snooky sa mga children books na isinulat nina Tintin Bersola-Babao at Maricel Laxa-Pangilinan kaya gusto naman niyang gumawa ng sariling compilation of poems.Ayon kay Snooky, marami na raw siyang isinulat na poems na never pa raw niyang ipina-publish. Ito raw ay patungkol sa kanyang masalimuot pero makulay na buhay sa loob at labas ng mundong kinalakhan niya—ang showbiz.

Ang goal daw ni Snooky sa paglabas ng kanyang compilation of poems ay kapulutan ng aral ang kanyang buhay.

Snooky Serna wants to publish her own compilation of poems

Paliwanag ng aktres, “Sa tinagal-tagal ko sa business na ito, I’ve come to realize na marami pa pala akong dapat matutunan sa buhay ko. Nagsimula ako at a very early age and up to now, nandito pa rin ako. I’m very thankful sa mga taong walang sawang tumutulong pa rin sa akin.

“Like what I said, there is still so much to learn in life. Through the poems na ilalabas ko, I want people, especially women, to get something out of what happened sa buhay ko—bilang isang ina, bilang isang babae. I must admit that are many phases in a woman’s life na mahirap i-explain and it is through your own words that you can really get your message through,” pahayag ni Snooky sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

May kinakausap na raw na ilang publishers si Snooky at ipinagdarasal niya na sana ay matuloy ang plano niyang ito.

“I want to leave a lasting impression sa mga anak ko at sa ibang tao,” sabi ng dating child actress. “Na si Snooky Serna, hindi lang siya naging artista o naging isang separada. Gusto ko namang mabasa nila na nagkaroon ng worth ang buhay ko, lalo na when I gave birth to my two beautiful daughters, Samantha and Sachi.”

Sa ngayon ay pinagkakaabalahan ni Snooky ang paggawa ng ilang indie movies. Kabilang na rito ang Manananggal Me, Crossroads, at isang yet-untitled project with Direk Elwood Perez.

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: