Say ni Marian kay Katrina: ‘Hindi ko alam kung bakit galit siya sa akin’

Alam na ni Marian Rivera na ‘the girl’ ang tawag sa kanya ni Katrina Halili, dahil sinabi ng press sa presscon ng Desperadas. Pati ang pagbibingi-bingihan ng sexy actress ‘pag naririnig ang pangalan niya ay pinag-react si Marian.

“Hindi ko alam kung bakit galit siya sa akin, pero ako walang galit sa kanya at alam ‘yan ng mga kasama ko sa Marimar. Nagre-reach out ako sa kanya at kinakausap ko siya dahil ayokong may mabigat sa taping. Kung ayaw niya sa akin, wala akong magagawa, ‘di ko ipagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw sa akin,” pahayag nito.

Ayaw nang palakihin ni Marian ang isyu, dahil katrabaho pa rin niya si Katrina at magtatagal pa ang kanilang pagsasama dahil extended up to March ang Marimar. Pareho rin silang contract star ng Regal, possible kayang after Bahay Kubo, Desperadas at A Very Special Love ni Marian at Engkanto episode ng SR&R 9 ni Katrina ay pagsamahin sila sa pelikula?

Samantala, inimbita ni Ruffa Gutierrez sa premiere night ng Desperadas ang original cast ng movie na sina Pops Fernandez, Gretchen Barretto at Dawn Zulueta. Hindi sana magbago ng isip ang dalawang nahuli at tiyak na aabangan sila ng tao sa December 23 sa SM Megamall.

NITZ MIRALLES
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: