Rachelle Ann Go works as usual with Christian Bautista despite breakup

Kahit break na ang dating magkasintahan na sina Rachelle Ann Go at Christian Bautista, friends at civil pa rin sila sa isa’t isa. Lagi pa rin daw silang magkasama sa mga mga shows—like ASAP ’07 at sa mga TV guestings—kaya hindi maiiwasang mag-usap pa rin sila. But this time, as friends na nga lang.

Ayon kay Rachelle, mutual decision ang kanilang paghihiwalay ng landas ni Christian at pareho silang nasa moving-on stage ngayon.

“As much as possible, we both want ni Christian na maging as normal as possible ang lahat sa amin; although alam namin pareho na painful sa amin ang breakup. Ayoko na lang pag-usapan at mag-isip ng anupaman. Maayos naman ang paghihiwalay namin kaya walang problema. Traumatic siyempre lahat ng paghihiwalay, di ba? It’s up to you how to handle things like this,” sabi ni Rachelle sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 1st OPM Songhits Awards kung saan nanalo sila ni Christian as Best Duet for the song “Pag-ibig Nga Kaya.”

Rachelle Ann Go works as usual with Christian Bautista despite breakup

Ano ang mga bagay ang nami-miss niya sa dating boyfriend?

“Magkasama pa rin naman kami lagi, e. Sa ASAP ’07 at sa mga TV guestings, like sa Unang Hirit recently lang. Makulit pa rin siya and nagti-text pa rin kami, so hindi yung talagang dedma,” pahayag ni Rachelle.

Ibig bang sabihin nito ay may chance na magkabalikan silang dalawa?

“Mahirap i-explain e,” sagot ng female singer. “Actually, naiilang akong pag-usapan ang bagay na ito dahil nag-promise kami ni Christian sa isa’t isa na huwag nang i-elaborate ang tungkol sa breakup namin. We decided to keep this matter as private as possible. I mean, sa amin na lang kung anuman ang pinagdaraanan namin ngayon. Balato n’yo na lang sa amin ito.”

Totoo ba ang bali-balita na may na-discover si Rachelle about Christian kaya nakipaghiwalay ang dalaga?

“Ayan na naman, e,” bulalas niya. “Hindi. Ewan ko kung saan nanggaling ang mga ganyang issue. Siguro ano, isa na rin kasi ayaw naming magsalita sa totoong rason ng breakup namin kaya nag-iba-iba ang interpretasyon ng tao. Ako, hinahayaang ko na lang kung anuman ang gusto nilang isipin. Kung masama man ang gusto nilang isipin, di ba, nasa sa kanila na ‘yon. Basta ako, sa sarili ko, alam ko yung reason and I don’t have to explain my part.”

This Christmas, normal at katulad pa rin daw dati ang celebration ni Rachelle at ie-enjoy niya ito with her family and friends na lang. “Supportive naman sa akin ang parents ko ever since,” pagtatapos ni Rachelle.

BALOT ANTAZO
PEP

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: