Pokwang: “Kung adik ako this year sa trabaho, mas adik ako sa 2008!”

Tuloy na ang pag-alis ng grupo ni Willie Revillame at ng Wowowee bukas, December 12, patungong Guam kasama si Ara Mina at ang comedienne na si Pokwang. Pero bago umalis ay nakausap muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pokwang sa kanyang sing-along bar, ang Blue Without U, sa Esquinita sa Sgt. Esguerra, Quezon City.

Ayon kay Pokwang, babalik sila ng Pilipinas sa December 18 ng gabi. Kinabukasan ay live na raw ulit silang mapapanood sa Wowowee. Pero malabo pa raw nilang makasama ang isa pa sa co-host ni Willie na si Mariel Rodriguez. Muli kasing ibinalik sa loob ng Pinoy Big Brother house si Mariel. ‘Tulad ng unang pagpasok ni Mariel sa Bahay ni Kuya, hindi rin ito alam ni Willie.

“Kailangan kasi si Mariel doon [PBB house] para sa ratings,” diretsong sabi ni Pokwang.

Habang wala si Mariel sa Wowowee, ang beauty queen na si Precious Lara Quigaman muna ang papalit sa kanya.

Dagdag ni Pokwang, “Pero sa January ilu-launch na si Precious as regular co-host ni Pappi [Willie]. Every day na talaga siya sa show. Kaya bale apat na kami. O, di ba, ang gaganda namin?

“Kaya nga ako, ine-experiment ko talaga kung ano ang isusuot o gagawin ko sa show. Alam ko naman na hindi ako puwedeng lumebel sa kanilang tatlo [Mariel, Precious, and Valerie Concepcion]. May sarili akong ganda!” sabay tawa ni Pokwang.

A BLESSED YEAR. Nagpapasalamat naman si Pokwang sa magagandang blessings na ibinigay sa kanya ng Panginoon ngayong 2007. May mga regular shows siya sa ABS-CBN, box-office hits ang dalawang pelikula niya (Agent X44 at Apat Dapat, Dapat Apat), may bagong bahay sa Antipolo worth three million pesos, may bagong bili na second-hand na van, and for the first time ay nakatanggap siya ng karangalan bilang Best Comedy Actress sa nakaraang 21st Star Awards for Television.

“Kung adik ako this year sa trabaho, mas adik ako sa 2008!” biro ni Pokwang.

Magre-resume ulit ng shooting si Pokwang next year para sa movie nina Vhong Navarro at Makisig Morales with Valerie Concepcion.

“Iniiba ‘yung script, e,” sambit ng comedienne. “Super revise talaga. Pero wala pang title. Si Manong Gilbert [Perez] ang direktor. Hindi ko alam kung bakit ni-revise, e.

“‘Tapos, mga February or March, baka may Music Museum [concert] ako, pero under negotiation pa. Hindi siya solo concert kasi may makakasama na isang komedyanteng bakla. Pero hindi ko pa ire-reveal kasi pinag-uusapan pa. Back-to-back ‘yon. ‘Tapos may US and Europe tour ulit ako hanggang middle of 2008,” kuwento niya.

May New Year’s resolution din si Pokwang for 2008. Next year ay desidido na si Pokwang na itigil na ang kanyang paninigarilyo.

“Ang alam ko kasi, hihinto ko na ang pagyo-yosi,” seryosong sabi niya. “I’ll try my best talaga. Ipinapangako ko ‘yan sa sarili ko. Meron akong option na itinaya para tigilan ko talaga. Sinabi ko kapag ako nag-yosi mawawala lahat ng blessing. Kailangan talaga merong ganun para tumigil ako.

“Babawasan ko na rin ang sobrang pagkain ng kanin kasi baka ma-diabetic ako, e. OA akong mag-kanin, pang-construction worker, grabe! Blessed lang ako dahil hindi ako tumataba.”

CHRISTMAS TIME. Samantala, excited naman si Pokwang sa nalalapit na Kapaskuhan dahil for the first time mag-i-spend sila ng Holiday season sa bago niyang bahay sa Antipolo kapiling ang kanyang nag-iisa na lang ngayon na anak na babae.

“Excited ako!” bulalas ni Pokwang. “Alam mo yung iniisip ko na kung anu-ano yung mga ihahanda ko. Pero hindi ko na sasabihin kung anu-ano ‘yon. Sa dami ng naghihirap nating mga kababayan, huwag na lang.”

Last December 4, kasabay ng kaarawan ng namatay na anak na lalaki ni Pokwang, nagtungo ang comedienne sa National Children’s Hospital sa Quezon City. Matagal nang pinaplano ni Pokwang na makapunta sa isang charitable institution for kids para makatulong in memory of her son. Finally, natuloy na rin siya for the first time. Sobrang nabagbag ang kalooban ni Pokwang sa situwasyong nakita niya sa mga batang nasa ospital kaya gagawin na raw niyang panata ang pagpunta doon taon-taon.

JULIE BONIFACIO
PEP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: