Mau nangunguna sa “Asian Idol”

NANGUNGUNA sa Asian Idol on-line poll ang Philippine bet na si Maureen “Mau” Marcelo. As of presstime, ito ang resulta ng on-line poll na naka-post sa website ng Asian Idol 2007 (www.theasianidol.tv): Mau Marcelo (Philippine) 32.36% (1468), Mike Mohede (Indonesia) 28.12% (1276), Phýõng Vy (Vietnam) 18.67% (847), Hady Mirza (Singapore) 11.73% (532), Jaclyn Victor (Malaysia) 8.27% (375), Abhijeet Sawant (India) 0.86% (39).

Hinihikayat namin ang ating mga kababayan na iboto si Mau sa on-line poll para hindi masayang ang pagsali niya sa 1st Asian Idol na gaganapin sa Jakarta, Indonesia.

Gusto naming manalo si Mau dahil bukod sa pagiging Pilipino, talagang may talent siya sa pagkanta.

Muntik nang hindi makasali si Mau sa Asian Idol dahil na-deny ang visa application niya, kahit kumpleto ang mga dokumento na kanyang dala nang pumunta siya sa Embassy of Indonesia.

Eventually, naaprubahan ang visa application ni Mau. Dahil na-delay ang paglabas ng kanyang visa, naunang umalis ang mga kasama ni Mau at solo ito na lumipad sa Jakarta.

Naging mainit ang pagtanggap kay Mau ng mga Indonesian na naghintay at sumalubong sa kanya sa airport.

Posibleng sa unang pagkakataon, naranasan ni Mau ang superstar treatment na hindi niya natikman sa sariling bansa. Ang litrato ni Mau sa airport ay mula sa website ng Asian Idol.

JOJO GABINETE
Abante Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: