Lucy Torres-Gomez’s birthday wish is to have another baby

Binigyan ng three-day birthday special ng lifestyle show na The Sweet Life ng QTV 11 ang kanilang host na si Lucy Torres-Gomez. Nagsimula ito kahapon, December 10, at magtatapos bukas, December 12. But her actual birthday is today, December 11.

Sa naturang three-day birthday special na ito, ang mister ni Lucy na si Richard Gomez ang siyang nagdirek ng mga episode. Isa raw ito sa mga regalo na ibinigay ng aktor sa kanyang misis at impressed na impressed na raw si Goma sa mahusay na paghu-host ni Lucy ng The Sweet Life.

Ang mga naging happenings sa birthday special ni Lucy ay isang live auction ng mga gamit ng mga sikat na celebrities ‘tulad nina Regine Velasquez, Ruffa Gutierrez, Kris Aquino, Carmina Villarroel, Janice de Belen, Gelli de Belen, Jaya, Gretchen Barretto, at marami pang iba.

Lucy Torres-Gomez's birthday wish is to have another baby

The items auctioned consist of gowns, bags, dresses, bags, accessories, books, and other one-of-a-kind memorabilia. Ang kinita sa auction na ito ay ido-donate ng The Sweet Life sa Philippine Red Cross kunsaan aktibong tumutulong si Lucy.

Umawit din ang isa sa favorite balladeer ni Lucy na si Christian Bautista. Aminado si Lucy na paborito niya ang lahat ng mga naging hit singles ni Christian.

Tinanong si Lucy sa kanyang show kung ano ang birthday wishes niya. Isa nga rito ay ang magkaroon na ng kapatid ang kanilang panganay na si Juliana. Pero patuloy pa ring sinusubukan nina Lucy at Goma na makabuo ng bagong baby.

Isa raw ito sa mga frustrations ni Lucy, pero may natutunan daw siyang isang important lesson sa nangyayaring ito sa pamilya nila.

“God has taught me to be patient,” nakangiting sabi ni Lucy. “Everyone knows na matagal na naming gusto ni Goma na masundan si Juliana and hindi pa rin naman kami naggi-give up.I know that God will soon bless us with a baby and we are willing to wait for that. Kung kailan Niya kami gustong magka-baby ulit, yun ang masusunod. His time is the right time.”

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: