Kris Aquino and James Yap talk about their new home

Sa unang pagkakataon ay ipinakita ni Kris Aquino ang bagong bahay nila ng mister niyang si James Yap sa morning show nila ni Boy Abunda sa ABS-CBN na Boy & Kris kahapon, December 10.

Ito na raw ang una at huling beses na ipasisilip niya ang bahay nila sa publiko.Tutol daw kasi ang mister ni Kris na si James na pakunan ang kanilang bagong tirahan. Matinding pangungumbinsi raw ang ginawa ng TV host-actress para pumayag si James na ipakita ang kanilang bahay sa Boy & Kris until nag-compromise sila sa isa’t isa.

“Pumayag na rin siya na ipakita ang bahay, except yung bedrooms,” lahad ni Kris.

Kris Aquino and James Yap talk about their new home

Hindi rin daw sila magkasundo noon ni James kung saan sila tititra. Mas gusto kasi ni Kris na tumira na lang sa isang condo samantalang hindi naman ito type ni James dahil wala raw silang sariling lupa.

Mas gusto ni James ang bahay na may lote kaya naman sinuyod nila ang Metro Manila kung saan itatayo ang kanilang tirahan. May 20 lote rin daw ang tiningnan nila bago sila nakapag-decide kung aling lupa ang bibilhin nila.

“Pagkatapos ng maraming usapan at consultation, itinayo na nga ang aming bahay sa bandang Ortigas. Masaya talaga!” bulalas ni Kris.

May dalawang palapag ang bahay ni Kris na dinisenyo ng sikat na arkitektong si Ramon Antonio.

Kuwento ni Kris habang katabi si James, “And you will notice dito sa house, almost everything is masculine. Kasi I realized the fact na ako lang ang girl, tatlo silang lalaki [James, James Jr., and Josh]. Na-overpower ako. So, nag-compromise na lahat makukulay ang kuwarto.

“Joshua’s room is orange. Baby James’s room is red. ‘Tapos ‘yung atin [James] is brown. Pero napagbigyan mo rin ako na may touch of majestic orange na pinabili ko yung mga tela habang yung RP team nasa Japan.

“Sa third floor naman haping-happy talaga ako sa playroom ng mga bata. Ang katabi nito ay aming roof deck kung saan we can have coffee, read a book, or mag-grill ng barbecue habang pinapanood ang mga bagets na naglalaro.

“May view na kita mo talaga ang Oritgas area. Kaya sabi niya, ang ganda ng area na ‘yon, pang-show out. ‘Tapos may barbecue grill. Di ba, sabi mo [James] doon ka mag-e-experiment. Maga-attempt ka mag-barbecue.

“Marunong ako niyan. Ayaw mo lang maniwala, e,” sagot naman ni James.

May pantapat naman daw si Kris sa boy-zone area ng bahay. Ito ay walang iba kundi ang chandelier.

“Mula sa pagkabata, dream ko na magkaroon ng chandelier. Ayaw niya,” tukoy ni Kris kay James.

“Gusto ko yung malaking chandelier katulad kay Boy. Parang feeling ko, prinsesa ka kapag may chandelier ka! Hindi niya [James] masakyan, so nag-compromise kami na yung puro bola-bola ang bilhin namin,” kuwento ng TV host-actress.

Sabi naman ni James, “Kasi ang feeling ko, luma yung bahay kapag may malaking chandelier.”

Hindi rin mawawala sa loob ng bahay ni Kris ang mga regalo mula sa kanyang mga mahal na kaibigan, gaya na lang ng dining table na bigay sa kanya ng big boss ng Bench na si Ben Chan.

“He invited us sa house niya and then nakita ko ‘yon and he said to me, ‘Kris, do you want it?’ Nabigla yata siya sa ‘do you want it’ kasi nabigay na niya sa amin, e,” ngiti ni Kris.

Ayon kay James, sa lahat ng parte ng bagong bahay nila, ang kusina ni Kris ang pinakamahal.

“Ang main ano talaga, pinag-aksayahan ko ng panahon, is the kitchen,” sabi naman ni Kris. “Ang sarap talaga. My favorite talaga. Kasi dream ko talaga ‘yon noon, noon pa. Gusto ko talaga magka-kitchen talaga. Ako talaga mismo, lahat ng gamit doon, ako ang namili.

“After looking at it and while living in it ngayon, ang masasabi ko lang it was all worth it,” pagtatapos ni Kris.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: