Edu Manzano explains how Bong Revilla put OMB operations at risk

Muling sumagot ang chairman ng Optical Media Board (OMB) na si Edu Manzano sa mga pahayag ni Senator Bong Revilla noong Sabado, December 10, sa StarTalk.Tulad ng senador, siniguro rin ni Edu na hindi personalan ang nangyayaring palitan ng salita sa pagitan nila ng kapwa aktor na si Bong.

Aniya, “Gusto ko lang linawin, unang-una sa lahat, hinding-hindi ito personal. Ang pinag-uusapan dito kasi ay kaligtasan ng buhay ng tao.” Gayundin, nilinaw niya na, “Wala akong galit sa kanya.”

Chairman Edu Manzano still fuming mad at Senator Bong Revilla

Sa panayam ng The Buzz kay Chairman Edu kahapon, December 9, dinepensahan niya ang OMB ukol sa sinasabing “mole” sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng tunay na naganap sa pagre-raid ng mga tindahan ng pirated DVDs noong December 4.

Sinadya diumano nina Edu na hindi ipaalam sa senador ang tungkol sa mga lugar na kanilang sasalakayin dahil, “Kung sasabihin namin sa kanya, kailangan niyang sabihan ang driver niya, kailangan niyang sabihan ang mga security niya. E, di lalaki po yung posibilidad na magkaroon ng leak. So he has no idea kung saan kami tutuloy.”

Patuloy pa ng actor-host, “Gusto kong linawin. Sa Optical Media Board, ultimo ang aming mga operatiba, hindi alam kung saan kami pupunta dahil sa opisina pa lang kinukumpiska na namin ang mga cell phones. Pagdating sa special action force, pinapapatay ang cell phones at ibinibigay sa team leader. Oras na kayo po ay nakitaan or may cell phone na nakabulsa, suspindido ka and a possible termination.”

Dagdag pa niya, tatlong tao lamang ang nakakaalam ng mga lugar na ire-raid at ito ay ang kanyang executive director, head ng legal, at mismong si Edu.

MAKATI CINEMA SQUARE OR NIGHT RUINS? Matatandaan sa mga naiulat na nagtataka si Senator Revilla kung bakit wala si OMB Chair Manzano nang maganap ang raid sa Makati Cinema Square noong Martes, December 4.

Ayon kay Chairman Edu, talagang ang Night Ruins sa BF Homes Parañaque ang target nilang salakayin noong Martes. Aniya, “Unang-una sa lahat, pinili po namin yung raid para maging convenient sa kanya [Bong]. Ako ang pumili ng Night Ruins kasi contrary doon sa sinabi niya na yun po ay maliit na target, we have these pictures na kinuha sa Night Ruins kung saan ipinakita yung volume ng aming nakumpiska, kung gaano karami.

“Ang Night Ruins po doon sa BF Homes ay hindi po isang maliit na lugar. At ang nakumpiska po natin, doon pa lang is over 100 sako, meaning to say over 15,000 discs. May picture pa kami ng truck diyan na kung saan halos puno, so hindi po ito isang maliit na target.”

OMB PROTECTING QUIAPO? Mariin ding pinabulaanan ni Edu na may pinoprotektahan siyang tao sa Quiapo kung kaya’t hindi sila nagpunta doon upang mang-raid.

“Yun ang medyo masakit. Siguro kung mayroon akong pinuproteksyonan, hindi na ako kailangang kumayod nang kumayod,” pagtatanggol ni Edu.

“Ang totoo niyan, of course not. Kaya lang kami hindi pinasok ang Quiapo kasi wala ho kaming search warrant. Kailangang-kailangan po namin ang search warrant.”

Kaugnay nito, nilinaw rin ni Edu na hindi umabot ng 70 tauhan ng special action force ang nakasama nila sa pangre-raid gaya ng mga naiulat. Aniya, “Ang tao lang po na ibinigay sa amin ay hindi 50 or 70, katulad ng binanggit ni Mr. Revilla, na combat-ready na speacial action force. Hindi po 70, 26 lang po. [Ipinakita ang papel]. Mga kaibigan, hindi po ako nanghuhula. Ito po ay dokumentado”

BELOW-AVERAGE RATE. Hindi rin naiwasan ng actor-TV host na mag-react sa naging paliwanag ni Bong sa StarTalk ukol sa “below average” rate na naibigay ng senador sa performance diumano ni Edu.

Reaksiyon ni Edu, “Nagulat po ako sa kanya kahapon, noong in-interview siya sa kabila ni Mr. Butch Francisco sa kabilang istasyon at sinabi… yung sinabi mong [Bong], ‘Below average si Edu Manzano.’ Ang sabi ni Mr. Revilla, ‘Noong araw lang na ‘yan.’ Just for that day. Parang daily ata ang pagre-rate sa akin. At saka mahirap ‘yan kasi hindi ko makakausap, e, ni hindi nga siya sumasama sa amin, e.”

MR. REVILLA. Marahil sanhi ng mga pangyayari, marami ang nakapansin na sa halip na Senator Bong ang itawag ni Chairman Edu sa kapwa aktor, “Mr. Revilla” ang binabanggit niya sa kanyang mga interview. Naitanong tuloy ng The Buzz kay Edu kung bakit ganito ang kanyang pagtawag sa senador.

Paliwanag ni Edu, “Marami nga nagtatanong sa akin kung bakit ayaw ko siyang tawaging senador. Kasi ayaw kong isipin that this is an upfront on the institution, that is the Senate. Ayokong isipin ng iba na binabanatan ko ang Senado kapag ginamit ko yung salitang ‘senador.’

“Tinatawag niya akong chairman, tatawagin ko rin siyang Mr. Revilla. Nandun pa rin yung paggalang ko sa kanya, but ayokong mamayang isipin gagamitin ngayon ng hindi pagsabi ng senador as patama doon sa senado.”

PEACE BEFORE CHRISTMAS? Hindi diretsang nasagot ng Optical Media Board chairman ang tanong kung gusto posible ba silang magkausap ni Senator Bong Revilla ukol sa mga pangyayari.

“To be honest, masakit yung sinabing sinungaling lalo na kung… Mga kaibigan, kung alam n’yo lang kung gaano ka-close yung pamilya namin sa Optical Media Board, iilan lang kami sa opisina. Kumbaga, nandun lang ako, wala silang tiwala sa akin, paano ko sila matatama sa mga delikadong situwasyon?

“Kung ako po ay nagsisinungaling, bakit kumpleto po ang aking mga documentary evidence? Hindi bale sana kung ako, e, tsismis lang pero dokumentado po ang lahat.”

Hindi rin tuwirang sinagot ni Edu kung may pag-asang maayos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Bong.

Ani Edu, “Sana po alisin na natin ang kaibi-kaibigan, kumpa-kumpare, kama-kamag-anak kasi ang pinag-uusapan po dito ay buhay po ng tao. Hindi ganun kasimple na, ‘Pare, pasensiya ka na, tulung-tulong na tayo. Hindi po, e, damage was done.

“Ang nagiging problema po natin, lalo ngayong lumalaki or nae-enbolden tuloy yung mga kalaban na mag-resist. Ngayon, ang ginagawa mo ngayon, you’re putting the lives nung aming mga tao at risk—at to think sa OMB hindi po puro lalaki ‘yan, may mga babae rin po kami.”

Sa huli, sinabi pa ng aktor, “Ewan ko kung magkakaroon ng the end,’ e, kasi ang pinag-uusapan dito is hindi lang si Mr. Revilla o ako, e. Ang pinakapinag-uusapan po dito, e, yung mga taong bumubuo sa Optical Media Board.”

NERISA ALMO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: