Blind Item: Latecomer

Matagal-tagal na rin akong nagbabasa ng blind items dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Nakakaaliw kasing hulaan ang mga ito. Minsan, iniisip ko nga kung totoo kayang nangyayari ang mga iyon? Hindi kasi kapani-paniwala ang iba. Pero, baka nga totoo kasi ako mismo nakasaksi ng isang eksena na kinasasangkutan ng isang female celebrity na itatago natin sa pangalang Mikaela.

Dumalo ako sa isang party ng ini-endorso na produkto ni Mikaela. Marami ang invited sa print at TV media. Marami ring celebrities ang dumalo at karamihan sa kanila ay mga controversial couples sa ngayon. Isa-isa nang dinumog ng mga reporters ang mga celebrities habang ginaganap ang program. Ilang oras pa ang nakalipas, natapos nang interbyuhin ng media at press people ang halos lahat ng artistang dumating pero may kulang. Wala pa si Mikaela, e, siya pa mandin ang endorser.

pepping_waiting.jpgMatagal-tagal ding naghintay ang entertainment writers and reporters. Sa katunayan, natapos na rin ang program at nagsi-uwian na ang halos lahat ng artista maliban sa isang binatang nali-link kay Mikaela ngayon, at itatago natin siya sa pangalang Gabriel.

Akyat-panaog si Gabriel at kinukulit na rin ng media kung nasaan na si Mikaela ngunit ang sagot nito ay, “Hindi ko nga alam,” at “Malapit na raw.” Ang ibang reporters naman ay naiinip na, “Ang tagal niya, ha.”

Makalipas ang mahigit na tatlong oras, dumating si Mikaela at agad na sinundan ng mga natitira pang reporter. Isa-isa niyang sinagot ang mga isyu tungkol sa mga lalaking nali-link sa kanya, sa bagong projects na ginagawa niya, at tungkol sa isyung kinasasangkutan ng kanyang manager.

Nang tanungin ng press kung gagawin din ba niya ang ginawa ni Gabriel na naghintay sa kanya ng pagkatagal-tagal, ang naisagot ni Mikaela ay, “Kung hinintay niya ako, salamat. Pero sa ngayon, inaantok kasi ako, e. Gusto kong matulog.”

In fairness naman sa dalagang aktres, humingi naman siya ng paumanhin sa pagiging late kasi kagagaling lang daw niya ng taping at sumaglit sandali sa kanilang bahay bago nagtungo sa naturang party. At kahit namumungay ang mga mata sa antok, matiyaga niyang sinagot ang mga tanong ng reporters. Gayunman, kita pa rin ang pagkadismaya ng ilang miyembro ng press na naghintay.

Nang matapos ang interview, napansin namin na nakatambay lamang si Gabriel sa bar area ng pinagdausan ng event. Meron tuloy nakapagsabi, “Kawawa naman si Gabriel, ang tagal naghintay mukhang hindi pa agad napansin ng hinihintay niya.”

At ayon sa isa pang Peeping Tom, real-life couple na raw sina Mikaela at Gabriel ngayon. Kaya lang secret yun ha.

Gusto niyo ng clue? Wala akong maisip, e. (Sabay kamot sa ulo.)

CHER COSME
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: