The damage has been done

HINDI naisip ni Vincent del Rosario na sa pagbebenta nila ng distribution rights sa international arm ng TFC ng movie nilang co-produced by GMA-7 films ay mapi-pre-empt ang interntional premiere night ng ibang show producers for Ouija.

Ayon kay Vincent ay nagkasundo sila ng bumili ng rights na ilalabas lang ang DVD copy ng Ouija a week after the premiere night — or on the night itself of the premiere showing.

Meron yatang may diperensya sa tenga kaya inilabas ang DVD copy ng Ouija several weeks bago ang premiere night. Kaya nakansela lahat ng binalak na premiere nights for Ouija sa US.

Hindi naman ito nakagawa ng damage for Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo dahil nakapag-charity shows pa ang dalawa sa halip na magmukmok na lang sa Amerika.

Nakatulong pa ang dalawa sa fund raising ng mga madre at pari sa San Francisco sa pamamagitan ni Sister Esperanza na tuwang-tuwa dahil sa malaking halaga na nalikom na pantulong sa maraming ulila sa mundo.

Ang malaking pasasalamat ni Sister Esperanza ay mapapanood ang footage sa Startalk this coming Saturday.

Dahil sa nangyaring mistulang sabotahe sa premiere nights ng Ouija sa Amerika ay sinabi naming hindi na gagawin ni Juday ang part 2 or sequel ng Ouija sa Amerika kung co-producer pa rin ng GMA Films ang Viva Films.

Naalarma yata ang magkapatid na Vincent at Veronique del Rosario kaya nagpatawag ng meeting sa office niya sina Vincent at Veronique sa pamamagitan ng kaibigan naming si Baby Gil.

Sa text ni Baby Gil ay sinabi niyang hindi na ibebenta sa una nilang pinagbentahan ang sequel ng Ouija kaya nagsadya na kami sa opisina ng Viva Films sa Tektite Building.

And in the photo here ay makikitang nagkasundo na kami ni Vincent sa isa pang movie na gagawin ni Juday under Viva Films.

We have worked with Vincent’s dad Boss Vic del Rosario when they were putting up Viva Films with their initial presentation, PS I Love You, second team-up of Sharon Cuneta and Gabby Concepcion after their initial team-up for Sining Silangan’s Dear Heart.

So, maliwanag na wala pa si KC Concepcion at bubuuin pa lang nina Sharon at Gabby ay nanduon na kami sa tabi ni Sharon, hence ang matunog na tawag niya sa amin hanggang ngayon ng ‘Tatay’ — the very first one na tumawag sa amin ng ganyan when everybody else was addressing me as ‘Tito Alfie,’ vice ‘Kuya Germs’ of German Moreno, Ike Lozada’s ‘Kuya Ike’ and Inday Badiday’s ‘Ate Luds.’

Nowadays, who looks more like ‘Tito Alfie’ and ‘Kuya Germs’ sa respective edad namin? Debah, parang binabastos pa si German when a boy as old as seven-year old John-john calls the master showman “Kuya Germs’?

ALFIE LORENZO
Abante Online

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: