Tatlong taong anak ni Jolo: Palahinge ng pera

NAKAISIP na ng solusyon si Jolo Revilla kung paano niya reregaluhan ang anak na si Gab.

Dadalhin na lang daw niya ito sa mall at hahayaan niyang mamili ang bata kung ano ang gusto nitong bilhin.

Ito raw ang magandang paraan para ma-appreciate ng anak ang ireregalo niya rito.

Tumawa nang malakas si Jolo sa suggestion ng mga press na dalhin niya ang anak sa isang luxury car shop upang doon pumili ng bibilhin.

Sabi ni Jolo, wala pa siyang pambili ng bagong sasakyan sa kanyang anak.

Ayaw magbigay ng direktang opinion si Jolo tungkol sa pagiging ‘palahingi’ ng pera ni Gab.

Going 3 y/o pa lang si Gab sa Enero 13 pero palagi raw nitong sinasabi ang “pengeng money.”

Aminado si Gab na nagugulat siya sa anak kapag hinihingihan siya nito ng pera tuwing magkikita sila.

Bagamat natutuwa siya sa kakulitan ng anak, ayaw niyang masanay ito sa ganoong ugali.

Hindi makapag-comment si Jolo tungkol dito dahil baka ma-misinterpret ito ng pamilya ni Grace partikular ng lola ng bata na si Rosanna Roces.

“Hindi naman masama ang humingi ng pera. Pero dapat matutunan ng iba na i-value ang pera.

“Marami ang natutulungan dahil sa pera. Marami rin ang napapasama dahil sa pera.

“Marami ang nagpapakahirap at kumakayod para sa pera. Marami rin ang gumiginhawa.

“Ang pera, hindi napupulot sa sahig. Pinaghihirapan ‘yun bago mo makuha. Kapag nakuha mo, dapat i-value mo at ilagay sa tamang paggagamitan.

“Kaming magkakapatid, hindi porke ganito ang buhay namin, kung anu-ano ang pinagkakagastusan namin.

“Pinaghihirapan din namin kung ano ang meron kami. Pinag-iipunan para mabili ‘yung gusto namin,” sey ni Jolo, na kasama sa pelikulang Resiklo.

Ayaw kuwestyunin ni Jolo ang pagpapalaki ni Grace sa kanilang anak.

REY PUMALOY
Abante Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: