Jennylyn umayaw sa TV series ni Robin

Kumpirmado nang hindi na kasali si Jennylyn Mercado sa cast ng Joaquin Bordado (bagong teledrama ni Robin Padilla sa GMA Network).

Hindi nagbigay ng dahilan ang source namin sa balitang pagkakasibak ni Jennylyn pero ang dinig namin, muli itong tinanggihan ng kampo ng aktres dahil lalabas na naman siyang suporta kay Iza Calzado na kapareha ng aktor sa series.

Maging ‘yung role ni Jen sa La Vendetta ay inirereklamo rin daw ng kampo. Komo multo ang role niya sa programa, pasulput-sulpot lang ang labas niya.

Sakaling tumalon sa ABS-CBN si Jennylyn after ng kontrata niya sa GMA, hindi na raw magtataka ang network na nag-build up sa kanya.

‘Yun lang, mukhang may ilang provisions sa kontrata ni Jen sa GMA na hindi siya basta-basta makalilipat ng ibang network.

Kapag pinili ng GMA ang option na ‘yon sa kontrata, malamang na maging frozen delight ang career ni Jennylyn next year!

JUN NARDO
Abante Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: