Gretchen, Dawn and Pops to attend primiere of “Desperadas”

The original cast of Regal Entertainment’s Desperadas were Ruffa Gutierrez, Gretchen Barretto, Dawn Zulueta, and Pops Fernandez.

Nang pinaplano pa lang ang project last year, bale ito ang comeback movie ng apat with Ruffa being the longest non-visible sa big screen, which was more than a decade ago. Nagkaroon ng problema sina Dawn at Gretchen over another project, a shampoo commercial, kung kaya’t pati ang Desperadas ay naapektuhan when both Gretchen and Dawn decided not to continue.

Si Pops naman, natuloy ang comeback but via last year’s ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh na entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival last year.

Ruffa Gutierrez invites Gretchen, Dawn, and Pops to the premiere night of

This year, muling binuhay ang project ngunit si Ruffa na lang ang na-retain sa original cast. Siya ang gumanap na papel sana ni Gretchen; si Marian Rivera ang gumanap sa original role ni Ruffa; si Rufa Mae Quinto ang gumanap sa dapat ay kay Pops; at si Iza Calzado naman ang dapat na kay Dawn.

Ngayong natapos na ang pelikula at slated for showing this January 1 as entry sa 2007 Metro Manila Film Festival, Ruffa has come up with a plan. Kinumbida niya sina Gretchen, Dawn, at Pops to watch the premiere of the movie on December 23.

Kuwento ni Ruffa sa presscon ng Desperadas kagabi, December 9, sa Imperial Palace Suites, unang sumagot sina Gretchen at Pops at pinakahuli naman si Dawn.

Dagdag ni Ruffa, magiging masaya raw tiyak ang premiere night dahil magkikita ang dapat na cast at ang bagong cast.

Incidentally, sa concert ni Pops last Saturday, December 8, sa Araneta Coliseum ay nanood sina Ruffa, Gretchen, at Dawn. Hindi lang namin alam kung nagkita-kita sila o kung nagpansinan sina Gretchen at Dawn.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: