Stars with double MMFF entries decide which float to ride at Parade of Stars

Part of the yearly film festival is the Parade of Stars which is always staged the day before the opening of the 2007 Metro Manila film Festival entries, on December 24. Ito ang last come-on ng mga pelikula sa masa para tangkilikin ang pelikula nila. Nagkakaroon din ng competition ang bawat float dahil may sarili itong category sa award night, ang Best Float.

Mas maraming artista sa float, mas kasiya-siya para sa mga manonood ng parade. This year, five stars will decide which floats they will join dahil dalawa ang entries nila.

Marian Rivera has two starring roles in two of the three Regal Films entries—Bahay Kubo na pang-December 25 at Desperadas na pang-January 1. Sa Bahay Kubo, siya ang gumaganap na panganay na “anak” nina Maricel Soriano at Eric Quizon. Sa Desperadas naman, siya ang bunso sa magkakapatid sa ina na sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, at Iza Calzado.

Stars with double MMFF entries decide which float to ride at Parade of Stars

Tinanong si Marian sa solo presscon niya noon sa Desperadas kung saan siya sasakay. Bagama’t wala siyang nasagot, marami ang nag-suggest na dapat ay sa Desperadas siya sumakay dahil mas maganda kung kumpleto ang cast nito.

The pair of Shaina Magdayao and Rayver Cruz are part of the main cast of both Regal Entertainment’s Bahay Kubo and Maverick Films’ Katas ng Saudi, both opening on December 25. Sa Bahay Kubo, si Shaina ang tunay na anak nina Maricel at Eric at sa Katas ng Saudi naman, siya ang pinakamatandang anak nina Lorna Tolentino at Jinggoy Estrada. In both movies, si Rayver ang manliligaw niya.

Hindi pa alam nina Shaina at Rayver kung saan sila sasakay pero malamang daw, maghati na lang ng oras. Baka raw sumakay muna sila sa isang float sa umpisa ng parade and later on, mag-transfer sa kabila.

Dalawa rin ang pelikula ni Paolo Contis sa festival, Com Guild Production’s Banal at Imus Production’s Resiklo.

Sa Banal, si Paolo ang lumalabas na pinakabida sa first directorial job ni Cesar Apolinario about the fictionalized account ng attempted assassination ng Pope nang huling dumalaw ito sa Pilipinas. Isa naman sa mga good guys na gagawa ng pinaka-robot sa Resiklo si Paolo, kasama sa grupo nina Bong Revilla at Dingdong Dantes.

Sa presscon ng Banal last Friday, December 7, napagpasiyahan na ni Paolo na sa Banal sumakay dahil marami naman daw big stars sa float ng Resiklo, including Bong, Dingdong, and Jennylyn Mercado.

Dalawa rin, albeit minor, ang roles ng young Star Magic talent na si AJ Perez sa mga pelikulang Bahay Kubo and Star Cinema’s Sakal, Sakali, Saklolo. Bit role lang ang papel ni AJ sa Bahay Kubo, bilang classmate at kaibigan ni Rayver. Continuation naman ang papel niya sa Sakal, Sakali, Saklolo from the first installment na Kasal, Kasali, Kasalo. Mas malamang sa hindi na sa SSS siya sasakay.

Two directors have the same predicament. Si Joel Lamangan who helmed Bahay Kubo and Desperadas, and si Joey Reyes who megged Katas ng Saudi and Sakal, Sakali, Saklolo.

Si Direk Joey, napagdesisyon na ring hahatiin niya ang oras niya sa dalawang floats, sasakay muna sa isa at lilipat sa kabila afterwards. Hindi pa makapagdesisyon si Direk Joel kung saan siya sasakay, pero malamang sa isa lang.

Last year, dalawa rin ang entry ni Joel, ang Zsazsa Zaturnnah Ze Moveeh at Mano Po 5. Hindi siya umalis sa float ng Zsazsa Zaturnnah.

DINNO ERECE
PEP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: