Korean produ interesado kay Marian

Ayon sa aking source, interesado ang isang Korean producer para kunin ang serbisyo ni Marian Rivera para lumabas sa isang international movie na may working title na Alice in Wonderland. Balitang nakikipag-usap na rin ang naturang produ sa GMA 7.

Isa ring Indian produ ang interesado pero ire-release din sa ibang bansa. Ang location na napili ay ang Subic, Zambales.

Malaki talaga ang naitulong ng Marimar sa career ng magandang aktres para rumatsada nang husto ang career niya.

Natutuwa naman si Marian dahil nakapagtala ang kanyang teleserye ng record-breaking na 49.5% overnight rating at consistent sa rating na 40+% batay sa AGB Nielsen Mega Manila Households data na pagpapatunay lang na ang Marimar ang number one TV shows sa bansa.

How true na noong Thanksgiving Party ng Marimar ay nagdedmahan sina Marian at ang kontrabida nitong si Angelika (Katrina Halili) kung saan parang hindi nila nakita ang isa’t isa. Buong ningning pa nilang sinasabi na hindi sila close sa isa’t-isa. Hindi kaya si Marian ang pinarurunggitan ni Katrina na friendly naman siya pero ayaw niya sa taong ‘plastic.’

EMY ABUAN BAUTISTA
The Philippine Star

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: