Yasmien Kurdi unaffected by Michelle Madrigal’s transfer to GMA-7

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si JC de Vera sa Christmas party para sa press ng GMA-7 last Thursday night, December 6. Kinumpirma ni JC ang paglipat ng kanyang ex-girlfriend na si Michelle Madrigal—produkto ng Star Circle Quest Batch 1 ng ABS-CBN—sa bakuran ng Kapuso network. Iisa na kasi ang manager ngayon nina JC at Michelle—si Annabelle Rama na siya ring manager ng nakatatandang kapatid ni Michelle na si Ehra Madrigal.

Noong malaman nga raw ni JC na papasok na sa GMA-7 si Michelle, isa sa una niyang binalitaan ang ka-partner niya sa Pasan Ko Ang Daigdig at rumored girlfriend niyang si Yasmien Kurdi.

Para kay JC, ibinalita niya ang paglipat ni Michelle kay Yasmien dahil kahit na hindi nagtagal ang relasyon nila ni Michelle, they have remained good friends. At ngayon nga ay magkasama na sila sa iisang management at TV network.

Yasmien Kurdi unaffected by Michelle Madrigal's transfer to GMA-7

Nakausap din ng PEP si Yasmien sa naturang Christmas party at sinabi ng young actress na wala naman daw issue sa kanya kung maging Kapuso si Michelle. Welcome naman daw ang lahat ng gustong maging part ng GMA-7 family.

Pero ayon sa ilang unang naka-interview kay Yasmien sa press conference naman ng Bahay Kubo noong Deecember 5, iba raw ang tono ng pananalita nito nang tanungin siya tungkol kay Michelle. May tono raw na parang nagseselos si Yasmien dahil nga naman ex-girlfriend ng ka-loveteam niyang si JC si Michelle.

Nang tanungin naman si Yasmien tungkol sa selos issue, natawa na lang siya at sinabing wala raw ‘yon at wala siyang karapatang magselos.

“Ako pa ba ang magseselos?” sabay tawa ni Yasmien. “Saan naman nanggaling ‘yon? Aware ako na naging sina JC at Michelle noon. Galing na rin kay JC na matagal na silang wala ni Michelle at magkaibigan na lang sila ngayon. Kung ano ang sinabi ni JC, yun ang paniniwalaan ko. Hindi ko kailangang magselos dahil wala naman akong dapat pagselosan, di ba?”

So, hindi siya threatened sa pagpasok ni Michelle sa GMA-7 dahil may posibilidad na magkasama sila ni JC sa ilang guestings?

“Walang ganung pakiramdam,” sabi ni Yasmien. “Okay lang naman kung magkasama sila sa ilang guestings, di ba? Sino naman ako para pigilan ‘yon?”

Sa darating na Pasko ay magkakahiwalay sina JC at Yasmien. Sa Lebanon kasi magpa-Pasko si Yasmien dahil bibisitahin niya ang kanyang amang maysakit na matagal na niyang hindi nakikita. Si JC naman ay sa Bohol magpa-Pasko kasama ang kanyang buong pamilya.

Sa pamamagitan ng text message na lang daw magbabatian sina JC at Yasmien ng Merry Christmas, bagama’t hindi naman talaga nagse-celebrate ng Pasko si Yasmien na miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: