Mark Herras talks about Japan trip with ex-girlfriend Jennylyn Mercado

Absent si Mark Herras sa last presscon ng Bahay Kubo last Wednesday, December 5. Kararating pa lang kasi nila ng kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado para sa isang GMA Pinoy TV event sa Osaka, Japan, na ginawa last Sunday, December 2.

Umalis noong Sabado ng hapon, December 1, via PAL sina Mark at Jennylyn, pati na rin si Arnell Ignacio, who acted as host for the event. Sa Nagoya International Airport sila lumapag dahil walang straight flight from Manila to Osaka kung saan sila magpe-perform.

Linggo ng hapon ginawa ang Osaka Filipino Family Day sponsored by GMA Pinoy TV in Japan at doon nag-perform sina Mark at Jennylyn.

Umaga ng Lunes, December 3, umuwi na ang grupo at nasa Pilipinas na sila ng hapon. Pagbalik nila, Monday lang ang naging pahinga nila at kinabukasan ng Martes hanggang Miyerkules, kinailangan munang harapin ni Mark ang mga nabinbin niyang trabaho.

Mark Herras talks about Japan trip with ex-girlfriend Jennylyn Mercado

Nagkita kami ni Mark sa Station 168 Internet Café sa Tomas Morato, Quezon City, Huwebes ng gabi, December 6. Doon siya nagkuwento sa mga nangyari sa kanila sa Japan.

First time pala ni Mark sa Japan at kahit napakalamig na doon, particularly sa Osaka, nag-enjoy naman daw sila ni Jennylyn. Kaya lang, nabitin sila sa pamamasyal dahil three days lang silang nag-stay doon.

“Nakapaggala naman po kami kaya lang ngarag talaga sa oras,” kuwento ni Mark. “Konting ikot lang po ang nagawa namin. Magkasama kaming nagpunta sa mall, pero pagpasok, magkakahiwalay na.

“Ang daming Filipino sa Japan, kahit malamig ang panahon, mapi-feel mo ang warmth nila.”

Kumanta at sumayaw sina Mark at Jennylyn and afterwards, nag-photo op at signing ng autographs.

Tinanong namin si Mark kung may nagtatanong sa kanila kung bakit hindi na sila magkasama sa mga projects nila. Wala naman daw. Natutuwa na raw ang mga Pinoy sa Japan na magkasama sila, pero updated na rin sila sa balita sa atin at alam na ng mga Pinoy ang estado nila privately.

Natapos na rin ni Mark ang pagda-dub niya sa Bahay Kubo kahapon, December 6, sa Roadrunner.

DINNO ERECE
PEP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: