Jackie Manzano gives birth to a baby boy in the U.S.

Former actress and wife of Anjo Yllana, Jackie Manzano, gave birth last December 6 to a healthy baby boy in the United States. This is the fourth child of the couple.

Sa pamamagitan ng phone-patch interview ngayong hapon, December 8, ibinalita ni Jackie sa StarTalk host na si Lorna Tolentino na normal ang panganganak niya at 7.1 pounds ang timbang ng baby nila ni Anjo.

Hindi nakapiling ni Jackie si Anjo dahil nandito pa sa bansa ang comedian kasama ang kanilang mga anak. Inaayos pa raw ni Anjo ang visa nilang mga-aama sa US Embassy.

Jackie Manzano gives birth to a baby boy in the U.S.

Matatandaan na naging delikado ang pagdadalang-tao ni Jackie nang malaman nito na may heart problem siya noong Agosto. Napaiyak si Anjo nang ibalita ng kanyang asawa na baka kailangan niyang mamili sa buhay ng kanyang asawa o ng kanilang hindi pa isinisilang na anak.

Pumunta si Jackie noong Agosto sa Amerika para makapagbakasyon at bisitahin ang kanyang nanay at kapatid. Pagkatapos ng dalawang linggo sa US, nagpa-check-up si Jackie nang makaranas siya ng heart palpitations. Sinabi ng cardiologist doon na kailangang mamili silang mag-asawa kung itutuloy pa ang pagdadalang-tao ni Jackie.

Sa hiwalay na phone-patch interview kay Anjo kanina sa StarTalk, sinabi naman ni Anjo na pumunta sa United States sa December 20 upang bisitahin si Jackie at ang bagong miyembro ng pamilya, kasama ang kanilang tatlong anak na babae. Mga tatlong buwan pa raw bago maaaring makabiyahe si Jackie pabalik ng Pilipinas.

“Excited na nga ako makita [yung baby]. Nag-send sila ng pictures sa Internet, pero hindi ko pa nakikita. Sabi nila, medyo hawig ko daw,” banggit ni Anjo.

“Gusto ko lang i-take yung opportunity, kasi everywhere I go, yung mga tao nagsasabi sa akin, ‘we’re praying for you, for your wife, for the baby.’ Gusto ko lang pasalamatan lahat ng nagdasal para sa aming mag-asawa at sa bata. Maraming-maraming salamat po sa mga dasal n’yo po,” a thankful Anjo ended the conversation.

PAUL MATA
PEP

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: