Iwa Moto’s suitor involved in a sex-video scandal

Kumalat via blind item ang isang hindi kagandahang balita patungkol sa bagong nali-link sa young actress na si Iwa Moto na may sex video diumano. Ayon sa blind item, the guy—a model with foreign blood—ay nagsi-self sex habang kinukunan ng ibang tao. Napangalanan si Iwa bilang the girlfriend in question sa blind item, but not the guy since wala pa siyang pangalan sa larangan ng mainstream showbiz.

On our way to Station 168 Internet Café Friday night, December 7, biglaan kaming nagkita ni Iwa na simply dressed with minimum makeup at nagkumustahan.

“Wala pa rin pong bago, Zaido pa rin,” sagot niya.

Biglang kumambiyo si Iwa to tell us na siya ang magiging cover girl ng Uno magazine ni Diether Ocampo for the January-February 2008 issue. Early this year, nag-FHM cover girl na rin siya.

Iwa Moto's suitor involved in a sex-video scandal

“For a change!” sabay tawa ng StarStruck 3 First Princess.

Bigla niya ring nabanggit na lalabas na ang kanyang 2008 calendar for Ginebra San Miguel. Hindi namin matatandaan kung sino ang 2007 calendar girl ng GSM kung kaya’t si Iwa na ang nag-supply: “Si Angelica Panganiban po.”

Pagkatapos ay may lumapit kay Iwa na isang guwapong semi-kalbo na lalake at ipinakilala ng young actress. Arvi Encelan ang pangalan ng kasama ni Iwa at bigla naman naming naalala ang blind item about them, so tinanong namin si Iwa kung si Arvi ang boyfriend niya.

“Naku, hindi pa po, we’re still dating pa lang,” sagot ni Iwa. “Siya po ang nali-link sa akin na boyfriend ko raw, pero hindi pa po talaga. Ayoko muna.”

Saka namin sinabi ang blind item tungkol kay Arvi. Literal na napa-step backward si Arvi sa kuwento namin.

“Ha, ano yun? May nagsulat sa akin ng ganoon?” tanong niya sa amin.

Si Iwa ang nagkuwento kay Arvi ng details ng blind item. Si Iwa na rin ang nag-explain sa amin na nakita na niya ang naturang sex video.

“Si Tatay Rommel [Gacho, StarStruck director] ang nagpakita sa akin nito. May kumakalat nga raw na video si Arvi. Pero hindi siya yun, kamukha lang. Ang problema kay Arvi, marami siya talagang kamukha,” paliwanag ni Iwa.

Arvi Matthew Encelan was one of the top 30 male contenders sa second batch ng StarStruck na pinanalunan ni Mike Tan. Ahead siya kay Iwa who joined StarStruck sa third edition nito. Finalist din si Arvi ng Circle of 10 noong 2004 and was part of Cosmo 69 bachelors of 2004 and again last year.

Tinanong namin pointblank si Arvi kung kahit minsan ba ay nag-self-sex video na siya. Isang malakas na tawa ang sinagot niya sa amin bago sabihin na never daw niya ito ginawa.

DINNO ERECE
PEP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: