GMA Artist Center has the last say on the renewal of Jennlyn Mercado’s contract

Kababalik lang sa Pilipinas ng young actress na si Jennylyn Mercado—kasama ang ka-loveteam at ex-boyfriend niya na si Mark Herras—mula sa launching ng GMA Pinoy TV sa Osaka, Japan.Sa pagbabalik ni Jennylyn, sinalubong siya ng panibagong isyu kaugnay ng naging pahayag niya noong presscon ng Resiklo na hindi niya isinasara ang kanyang pintuan sa posibilidad na lumipat siya sa ABS-CBN. Marami tuloy ang nagsasabi na ito marahil ang dahilan kaya tumatanggi na si Jennylyn sa mga offer sa kanya ng GMA-7—kasama na rito ang Joaquin Burdado na pagbibidahan ni Robin Padilla.

Sa huling panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jennylyn, sinabi niyang pinag-usapan daw nila ng kanyang manager na si Becky Aguila na huwag nang tanggapin ang Joaquin Burdado. Pero itinanggi ng young actress na kaya hindi nila tinanggap ang project ay dahil lalabas na support lang sila ni Mark kina Robin at Iza Calzado. Isa pa, may ibang project naman daw silang gagawin ni Mark sa GMA-7.

GMA Artist Center has the last say on the renewal of Jennlyn Mercado's contractAyon pa kay Jennylyn, may contract pa raw siya sa GMA Artist Center, pero matatapos na ito sa February 2008. Pag-uusapan pa raw nila ni Becky kung pipirma siyang muli ng kontrata sa kanyang mother studio.

Pero alam kaya ni Jennylyn kung ano ang mga provision sa pinirmahan niyang contract noon sa Artist Center?

ARTIST CENTER’S SIDE. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na makausap ang head ng GMA Artist Center na si Ms. Ida Henares sa Kapuso Christmas party for the press kagabi, December 6, sa Off The Grill restaurant sa Timog Ave., Quezon City. Tinanong namin si Ms. Ida kung puwede na bang lumipat si Jennylyn sa ibang network kapag nag-expire na ang kontrata nito sa Artist Center next year.

“I don’t think so,” nakangiting pahayag ni Ms. Ida. “May provision kasi sa contract niya na kami ang may last say kung ire-renew namin o hindi ang contract niya. Hindi ko lang sure kung ilang years, kasi iba-iba naman ang pagre-renew namin ng contract sa aming mga contract stars. Mayroong after ng first contract nila, may option kami to renew them for two years. Mayroon ding one year lang, o hindi na namin sila ire-renew.

“As for Jennylyn, contract star namin siya at kami talaga ang nagma-manage sa kanya. Ang kanyang manager [Becky], personal manager lang niya. Like what I’ve said, we have the last say tungkol sa pagre-renew ng contract niya,” diin ng Artist Center head.

From a source, nalaman namin na nagrereklamo ang isang close kay Jennylyn dahil hindi raw binibigyan ng magagandang projects ang young actress sa GMA-7. Ibinigay nga raw kay Jennylyn ang La Vendetta, pero multo raw naman ang role nito.

Nagtaray nga raw ang aming source sa pagsasabi sa taong close kay Jennylyn na bakit daw kasi nakikinig sila sa kung sinu-sino at hindi makipag-usap sa GMA-7. Unang-una, nang tanggapin nila ang La Vendetta, alam na raw nila ang role ni Jennylyn kaya bakit sila nagrereklamo.

Binigyan sila ng Joaquin Bordado, pero tinanggihan naman nila samantalang maraming artista raw ang gustong makasama si Robin sa isang project. Noon ay nagrereklamo silang hindi raw binibigyan ng project si Jennylyn, ngayon naman ay nagrereklamo sila sa project na ibinibigay sa kanya.

Tanong ng aming source, saan daw ba lalagay ang GMA Network at ang Artist Center kina Jennylyn at ang kanyang manager?

NORA CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: