ABS-CBN to remake three Susan Roces movies

Dumating sa presscon ng Alay ni Da King: An FPJ Special kagabi, December 5, ang biyuda ni Fernando Poe Jr. na si Susan Roces, ang anak nilang si Grace Poe-Llamanzares, at ang ABS-CBN Channel Head na si Charo Santos-Concio. Inamin ni Susan sa presscon na after three years ng pagkawala ng kanyang asawa ay may nararamdaman pa rin siyang kirot sa puso.

“Palagay ko, katulad ng ibang naranasan na ang mawalan ng isang mahal sa buhay, it will never go away,” sambit ni Susan. “Maya’t maya may mga alaalang bumabalik. But siyempre, in life, we have to prioritize. Hindi naman puwedeng malungkot ka lang palagi.

“Pero hindi naman maaring sabihin na tapos na, wala na. Nandiyan lang siya palagi. Alam ko sa ngayon, natutuwa siya dahil lahat naman ng ipinagbilin niya ay isa ng natutupad katulad nga nito,” sabi ni Susan na ang tinutukoy ay ang appointment ni FPJ bago siya namatay kay Charo para sa kanyang mga pelikula.

ABS-CBN to remake three Susan Roces movies

Ibinalita rin ni Susan ang bago niyang programa sa ABS-CBN pagkatapos mawala sa ere ng sitcom nila ng Comedy King na si Dolphy at Diamond Star na si Maricel Soriano, ang John En Shirley.

“It’s a corporate decision,” ayon kay Susan tungkol sa pagkakansela ng John En Shirley. “We were each assigned to different shows. I, in Patayin Mo Sa Sindak Si Babara. I think Maricel is doing one with Cesar [Montano], and Mang Dolphy has several shows offered but he opted to rest for a while. You’ll find him busy again next year, so he’s preparing for that.

“I’m doing a Sine Serye, Patayin Sa Sindak Si Barbara. Kasi tatlo sa mga pelikula ko ang gagawin nilang Sine Serye. I don’t know what’ll they call it… It’s Susan Roces Collections… So, Patayin Sa Sindak Si Barbara, Florinda, and Maligno. In Patayin Sa Sindak, I play a role doon sa istorya pero a new added role. Kasi ibang side naman ni Barbara ang ipapakita,” kuwento ng aktres.

Ibang-iba ba ito sa movie version na ginawa niya noong 1974 with Rosanna Ortiz na gumanap bilang Ruth?

“It’s closely followed, pero mas may depth in the character of Barbara. I play Barbara’s stepmother. Kasi yung pagkatao ni Barbara, hindi naman talagang inano doon [sa original movie] dahil the center is Ruth haunting Barbara. All those are also included [in the TV version] kaya lang idinagdag nila itong character na ito,” paliwanag ni Susan.

Gagampanan ni Kris Aquino ang role na Barbara sa remake ng movie ni Susan para sa Sine Serye ng ABS-CBN. Si Jodi Sta. Maria naman ang gaganap bilang si Ruth.

Kumusta naman ang working relationship nila ni Kris?

“Oh, we’re okay,” sambit ni Susan. “We’re having fun although it’s a serious job. Hindi naman comedy. So, siyempre, doing a drama medyo iba ang atmosphere. Ngayon ko lang nakakatrabaho si Kris actually, dahil sa Mano Po, we played the same character, e. She’s the younger version ‘tapos ako yung older version.”

ALEX DATU
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: