ABS-CBN airs “Alay ni Da King: An FPJ Special”

Bilang pag-alaala sa yumaong King of Philippine Cinema na si Fernando Poe Jr., isang TV special ang ipapalabas ng ABS-CBN sa darating na Linggo, December 9. Ang Alay ni Da King: An FPJ Special on ABS-CBN ay may iba’t ibang segments na tatalakay sa kontribusyon ni FPJ sa industriya at sa masa. Ang magiging host ng TV special na ito ay ang Channel Head ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Susan Roces, ang maybahay ni FPJ sa presscon ng Alay ni Da King: An FPJ Special on ABS-CBN na ginanap noong December 5 sa 9501 restaurant ng ABS-CBN ELJ building.

Ang magiging highlight ng TV special sa Linggo ay ang video presentation na ginagawa ni FPJ mismo bago siya yumao noong December 14, 2004. Ang iba pang segments ng TV special na ito ay ang mga sumusunod: FPJ, The Artist; FPJ, Ang Kaibigan; at FPJ, Ang Idolo. May iba pang kilalang celebrity na pag-uusapan naman kung paano isinalarawan ni FPJ ang mga katotohanan sa buhay ng karaniwang tao.

ABS-CBN airs Ang special ay pangungunahan ni Ms. Charo Santos-Concio samantalang ang iba’t-ibang segments ay tatampukan nina Vilma Santos (FPJ, The Artist), Christopher de Leon (FPJ, ang Kaibigan), at Boots Anson-Roa (FPJ, ang Idolo).

“Gusto niya na magsilbi itong alaala ng mga tao sa industriya na kanyang minahal nang lubusan,” pahayag ni Susan tungkol sa video presentation na ginawa ng kanyang asawa. Ang nasabing video ay naglalaman ng mga memorable scenes mula sa higit 130 na pelikulang ginawa ni FPJ sa loob ng halos limang dekada.

Maraming hindi malilimutang quality ni FPJ ang kanyang maybahay. Isa rito ay ang pagiging religious ni FPJ.

“Noong bagong kasal kami, sinasabi ko halika, magsimba tayo together. Ang esplika niya sa akin, ang relihiyon ay very personal. Hindi siya na kailangan obligahin sa ganoong oras, kahit puyat ka ay magsimba, sama-sama kayong magsimba. He believed in the family being united and being together,” wika ni Manang Inday (as Ms. Susan Roces is fondly called in showbiz).

“He also reasoned out na ang religious practice ay very personal. And he showed me how it was to be a true Christian. Ang pagpa-practice niya roon ay sa pamamagitan ng gawa. He sets it by example.”

Sinabi pa ni Manang Inday na kung paano niya unang nakilala si Kuya Ron hanggang sa ito ay pumanaw, ganoon pa rin daw ito.

“He was not the kind of suitor who would put his best foot forward. And during the courtship stage, he showed me exactly. ‘Eto ako. Take me for my faults and for what is admirable in him. Totoong tao siya,” patuloy pa ni Manang Inday.

LAST MEMORIES OF FPJ. Ipapakita sa publiko ang video presentation na si FPJ mismo ang bumubuo hanggang sa kahuli-hulihan niyang araw. Ang video na ito na ang laman ang mga mahahalagang eksena sa kanyang pelikula ay regalo sana ni FPJ sa mga kaibigan niya at naging leading ladies.

“Could those film clips and frames that he picked, hindi kaya iyon ang nasa huling alaala niya? Kasi aside from the musical scenes, mayroon siyang mga prinoject doon na mga eskena na galing sa iba’t-ibang pelikula niya at idinagdag pa niya ang mga kasamahan natin na wala na? At siya ang pumili nga mga kanta tulad ng ‘Hindi Kita Malimot,’” kuwento pa ni Tita Susan.

“On the day that he had his attack, nag-recording pa siya. Early on the evening of that day, nag-recording pa siya. Yung kantang ni-record niya noon, kasama diyan sa TV special na mapapanood natin sa Linggo. Sabi ko, hindi kaya iyon ang mga huling nasa isip niya that day?”

Kasama sa magbibigay pugay at magsasaad ng “inside stories” sina Dolphy, Eddie Garcia, Maricel Soriano, Phillip Salvador, Edgard Mortiz, Jaime Fabregas at dating Pangulong Joseph Estrada. Ikukuwento rin ni Ms. Susan Roces ang kanilang buhay mag-asawa habang tumatawid sa kanilang movie careers at ang maikili ngunit mahalagang karanasan sa politika.

Simula pa noong Oktubre, ipinapakita na ng Cinema FPJ sa Kapamilya Network ang mga blockbuster movies ni FPJ. Sa pamamagitan ng pelikula, nakamit ni FPJ ang paghanga ng marami bilang tagapagtanggol ng mga taong nauuhaw sa dignidad at hustisya.

Huwag palampasin ang Ang Alay ni Da King: An FPJ Special on ABS-CBN na ipapalabas sa ABS-CBN ngayong Linggo, Disyembre 9, sa ganap na 9 p.m.

RICKY CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: