Network rivalry looms over wedding of Vandolph and Jenny

Napaluha sa kaligayahan si Vandolph sa kasal nila ni Jenny Salimao last Monday, December 3. Naging emosyonal ang dating child star sa sobrang kaligayahan habang lumalakad sa aisle ng St. James Church sa Ayala, Alabang, ang kanyang bride.

Masayang-masaya ang dalawa sa napakaganda nilang kasal na sinaksihan ng kanilang mga magulang na sina Dolphy Quizon at Alma Moreno, gayundin nina Eugenio at Ludivina Salimao. Naroon din ang halos lahat ng kapatid, kamag-anak, at kaibigan ng dalawa.

Nakasuot ng green terno si Vandolph, samantalang all white naman ang gown ni Jenny. Si Edwin Uy ang may likha ng mga kasuotan ng bride at groom, pati na ang buong entourage.

Network rivalry looms over wedding of Vandolph and Jenny“Mahirap i-explain kung gaano ako kaligaya sa mga oras na ito. Ganito pala kapag ikinakasal!” masayang saad ni Vandolph sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, “Gusto ko ay 18 na anak para masaya, pero sabi ni Jen ay three or four lang daw ang kaya niya. Sa honeymoon, balak sana namin ay mag-cruise somewhere, pero dahil busy, saka na lang siguro. Baka magpunta muna kami sa Cebu.”

Pagkatapos ng kasal, inihatid sina Vandolph at Jenny ng karwahe sa reception para sa 400 guests sa Fernbrook Gardens, Portifino South Daang Reyna, Las Piñas. Bumaha rito ng alak at pagkain. Apat ang buffet tables na may iba’t ibang klase ng dishes na Filipino, Oriental, Continental, at iba pa.

Sa ipinalabas na video ay ipinakita kung paano nagkakilala sina Vandolph at Jenny. Kinunan ang video sa Caliraya, Quezon. Sinabi ng anak ng Comedy King na doon niya unang nakita si Jenny nang mag-guest ang grupo nito sa Home Along Da Riles, ang sitcom nila noon ng kanyang ama sa ABS-CBN.

Nasa dressing room daw noon si Jenny at nag-second look pa si Vandolph sa dancer. Talagang pinakatitigan niya raw ito. Nang nasa floor na sina Jenny, bumati si Vandaolph ng “Hello, beautiful” at doon na nagsimula ang kanilang ligawan na umabot ng seven months.

December 30, 2002 naging opisyal ang relasyon nila.

THE WEDDING RECEPTION. Ang kapatid ni Vandolph na si Eric Quizon ang nag-emcee sa reception, kasama ang comedienne na si Pokwang. Si Janno Gibbs naman ang singer mula simbahan hanggang reception kaya naman biniro tuloy siya na mistulang nagkaroon siya ng isang concert. Sinaliwan siya ng musika ng Symphony Orchestra.

Mga solemn na awitin ang kinanta sa simbahan at pagdating sa reception ay mga modern love songs, disco, at ballroom naman ang pinatugtog. Si Janno ay inaanak ni Dolphy, kaya close sila ni Vandolph.

Nang magsalita si Dolphy, pabiro nitong sinabi na, “‘Langya, naunahan mo pa ako [magpakasal]. Pero isa lang ang bilin ko sa iyo, Jenny, kapag kumikidlat ay itago mo si Vandolph dahil puro bakal ang katawan niyan.”

Ang tinutukoy ng Comedy King ay ang plano nilang pagpapakasal ng kanyang partner na si Zsa Zsa Padilla, na hindi pa rin matuluy-tuloy hanggang ngayon dahil sa ilang legal matters.

Ang message naman ni Alma para sa mag-asawa ay unawain lagi ni Jenny si Vandolph dahil may pagka-spoiled daw ito.

Dumalo ang lahat ng Quizon maliban lamang kay Jeffrey na naiwan ni Eric sa Hong Kong dahil may inaasikasong business nila ito roon.

Pagkatapos ng reception ay tumuloy ang bagong kasal sa Diamond Hotel at hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang dalawa.

NETWORK WAR. Samantala, tila nadamay sa network war ng GMA-7 at ABS-CBN ang kasalang Quizon-Salimao. Karamihan sa mga principal sponsors ay present, maliban sa ilan.

Kapansin-pansin na wala ang mga taga-ABS-CBN na kinuhang ninong at ninang. Bukod kay Gabby Lopez—na siyang big boss ng Dos—ay wala rin sina Susan Roces, Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Kris Aquino, Deo Endrinal, at Cristy Fermin.

Tanging si Linggit Tan, production manager ng karamihan ng show ni Mang Dolphy ang taga-Dos na ninang ang nagtungo sa kasal. Hindi tuloy naiwasan ang bulung-bulungan na baka sinadya raw ng ibang mga Kapamilya ang hindi pagpunta sa kasal ng anak ni Mang Dolphy dahil ang GMA-7 ang nakakuha ng TV rights sa kasalang Quizon-Salimao.

Bago ang araw ng kasal nina Van at Jen, may mga kumukuwestiyon kung paano at bakit napunta sa GMA-7 ang rights ng kasal, gayong artista ng Dos si Van, pati na si Mang Dolphy.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source na malapit kina Vandolph at Jenny, hindi nag-alok ang ABS-CBN kay Vandolph para makuha ang rights ng kasal niya.

Sabi ng aming source, “Actually, two weeks before ng kasal at saka pa lang sila pumirma. Kasi nga, hinihintay ng dalawa na alukin sila ng Dos, pero wala namang alok.

“Talagang binigyan ng kunsiderasyon ni Vandolph ang Dos dahil doon nga siya may show at taga-roon siya. Nang mag-offer sa kanya ang GMA, hindi kaagad sumagot si Vandolph. Naghintay pa siya pero talagang walang offer, so hindi na kasalanan ni Vandolph kung Siete ang nakakuha ng rights.”

May lumabas pang balita na si Alma diumano ang nagbenta ng rights ng kasal nina Vandolph at Jenny sa Kapuso network. Pero sinabi ng aming source na napakaimposible nito dahil hindi nakialam ang actress-politician habang pinaghahandaan ang kasal ng dalawa.

“Sa ilang buwang nag-aayos ng kasal ang dalawa, hindi sila nagkikita ni Vandolph. Ayaw kasing makialam ni Alma dahil may tiwala siya sa dalawa at alam niyang nasa tamang edad na ang mga ito para magdesisyon. Masamang-masama nga ang loob ni Alma dahil pinalabas na mukha siyang pera,” paliwanag ng source.

Idinagdag pa ng source na medyo nalungkot si Vandolph sa nangyaring pang-iisnab ng Dos sa kanilang kasal ni Jenny. At habang isinusulat ito’y wala pang nakakarating na opisyal na pasabi kung bakit hindi nakadalo ang karamihan sa mga taga-Dos sa espesyal na araw nina Vandolph at Jenny.

Sinabi rin ng source ng PEP: “May balitang kaya hindi nakarating o naligaw ang ilang ninong at ninang ay dahil sa hindi natapos agad ang renovation ng Notre Dame Devi Chapel dahil sa bagyo. Dito ang original venue ng kasal subalit inilipat ito sa St. James Church sa Ayala, Alabang. Pero a day before the wedding, pinagtatawagan ang lahat ng imbitado at may nakapaskil na malaking tarpaulin na nagtuturo kung saan gaganapin ang kasalan. At may nagbabantay doon para ituro ang lugar ng St. James, kaya malabo ang ganoong rason.”

Sa panig naman ni Vandolph, sinabi niyang espesyal ang araw na ito sa kanila ni Jen at ayaw niyang masira ito.

“Araw namin ito at gusto naming maging masaya, kaya ayaw kong haluan ito ng anumang bagay na ikasasama ng loob o intriga,” pahayag ni Vandolph.

MARICRIS VALDEZ-NICASIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: