GMA Artist Center naiinis kay Jennylyn?

Nainis ang GMA Artists Center sa pahayag ni Jennylyn Mercado na bukas ang pinto nito sa posibilidad ng paglipat sa ABS-CBN 2 pagkatapos ng kontrata nito.

Sa huling panayam ng Startalk kay Jennylyn, sinabi niya ulit ito pero hindi raw niya sinabing tiyak na lilipat na siya.

Nasa GMA 7 pa rin daw ang loyalty niya. Pero hiling ni Jennylyn, sana ay bigyan siya ng pagpapahalaga bilang isa sa mga Kapuso talents.

Wala ba siyang nararamdamang pagpapahalaga sa ngayon sa GMA 7?

“So far, okay pa naman, Okay pa naman po ako,” matipid na sagot ng young actress.

Nilinaw ni Ms. Yda Henares ng GMA Artists Center na may kontrata pa sa kanila si Jennylyn. Dagdag pa nito, kapag nag-expire ang kontrata nito, nasa GMA 7 pa rin ang desisyon ng renewal kaya walang magagawa si Jennylyn sakaling ire-renew ito ng GMA 7.

Muling nagpahayag si Jennylyn na wala raw siyang balak na lumipat kung happy pa rin siya sa kanyang mother studio.

Si Cristine Reyes ang isa rin sa pinagdududahang lilipat sa ABS-CBN 2 kasabay raw ni Ara Mina, pero consistent din ang sagot nito na nasa GMA 7 ang option to renew kaya hangga’t kailangan siya ng GMA 7 ay hindi siya lilipat.

ABU TILAMZIK
Abante Tonite

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: