Blind Item: Aktres sinusumpa ng negosyante

Kahit tawasin pa natin ngayon nang ilang ulit ang isang negosyanteng nagiging aktibo lang tuwing dumarating ang Pasko dahil sa paggawa ng mga giveaways ay hinding-hindi na nito pagkakatiwalaan pa ang isang kilalang aktres.

Sabi ng aming source, “Naku, ipamimigay na lang niya ang kung anumang meron siya ngayon, pero ang pagkatiwalaan pa niya uli ang isang aktres na may amnesia, hinding-hindi na niya gagawin pa uli yun!”

Naganap ang masaklap na karanasan sa buhay ng negosyante nung kainitan pa ng kasikatan ng magandang aktres, kung anu-ano ang giveaways na ipinagawa niya, daang libong piso ang inabot na halaga nun dahil sa sobrang dami.

“Nagbigay naman siya ng downpayment, pero nung idineliber na sa kanya ang goods, saka na lang daw niya babayaran yun. Pumayag naman ang businesswoman, sino ba naman kasi ang mag-aakalang meron palang sakit na amnesia ang babaeng yun, e, sikat na sikat siya?

“Tapos na ang Pasko, naipamigay na niya ang mga ipinagawa niyang giveaways, pero hindi pa rin niya yun nababayaran sa pinagpagawaan niya. Nakakaawa yung tao, naghihintay palagi sa kanya sa house niya, pero hindi niya inaasikaso.

“Nung mapagod at mabagot na ang businesswoman, itinuring na lang niyang bangungot ang pakikipagtransaksyon kay —(pangalan ng magandang aktres), pero ipinangako niya sa kanyang sarili na lumuhod man sa harapan niya ang babaeng yun, e, hindi na siya papayag pang makipagnegosyo dahil sa tindi ng hirap na pinagdaanan niya sa paniningil,” kuwento pa rin ng aming source.

Nasa gitna pa rin ng labanan ang aktres, hindi na nga lang siya kasingsikat nang dati, may mga kuwento pa ring nag-uugnay sa kanya sa usapin ng pananalapi na madalas niyang ipinagkakaila at pinagtatakpan.

Hati na ang kanyang oras ngayon, sa showbiz at sa isang larangang pinasok niya, kahit sa siyudad na kanyang nasasakupan ay maraming kuwento tungkol sa kanyang mga iregularidad pagdating na sa usapin ng pananalapi.

CRISTY FERMIN
Philippine Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: