Binigay kasi sa GMA ang coverage ng kasal, Vandolph tsinugi sa Palos

May tsismis na kumakalat na hindi raw nag-attend sa kasal nina Vandolph Quizon at Jenny Sali­mao ang kanilang mga ninang na sina Charlene Gonzales, Sharon Cuneta at Kris Aquino dahil pinagbawalan ng ABS-CBN ang tatlo, porke exclusive sa GMA 7 ang coverage ng kasal. May ganun?

Ayokong paniwalaan ang tsismis. Gusto ko munang marinig ang explanation nina Charlene, Sharon at Kris.

Pero may isang tsismis na mas matindi. Natsugi raw si Vandolph sa cast ng TV series na Palos da­­hil ibinigay nga nila ni Jenny sa Kapuso network ang exclusive rights ng kanilang kasal na mapa­panood sa Startalk sa darating na Sabado.

Kinumpirma raw ng isang ABS-CBN boss ang balita na wala na si Vandolph sa Palos dahil nagka­roon ng pagbabago sa kuwento at cast.

Kawawa si Vandolph kung true na wala na siya sa Palos. Ang sey ng isang GMA 7 executive, sila ang nag-alok kay Vandolph ng exclusive coverage at hindi ang dating child actor ang lumapit sa kanila.

Nang mag-offer ang GMA 7 people, tinanong muna nila si Vandolph kung may alok ang ABS-CBN. At dahil walang alok ang Kapamilya net­work, tinanggap ni Vandolph ang offer ng Kapuso network.

Kung may pagkakamali man si Vandolph, hindi niya tinanong ang ABS-CBN people kung interesado sila sa exclusive coverage ng kasal nila ni Jenny.

Wait natin ang mga susunod na kabanata. Sure ako na magsasalita ang mag-asawang Jenny at Vandolph, pati na rin ang madir nito na si Alma Moreno, tungkol sa wedding controversy.

LOLIT SOLIS
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: