‘Marimar’ dinumog sa Las Vegas

Matagumpay ang show ng mga bida ng Marimar sa sports arena sa Las Vegas, Nevada nu’ng Linggo (Disyembre 3).

Punung-puno ang arena at may mga dumayo pa from California para masilayan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa kuwento ng aming kaibigan ay maraming lalaki ang sumugod sa arena para makita si Marimar.

Dapat ay sa bandang huli ng programa lalabas sina Dingdong at Marian pero ayaw raw tumigil ang mga tao ng kahihiyaw hanggang hindi lumalabas ang dalawa.

Para matigil ang hiyawan ay tinawag na sila sa entablado kahit hindi pa nila oras lumabas.

Tuwang-tuwa ang mga kababayan natin nang makita na sina Dingdong at Marian.

Maski sina Fulgoso at Katrina Halili ay hinahanap ng mga tao.

May nagsabi pa raw na kapag nakita nila si Katrina ay sasabunutan nila ito.

Apektado ang mga hitad sa mga kabuktutan ni Angelika (karakter ni Katrina) sa Marimar, huh!

Ang ending, pagkatapos lumabas nina Dingdong at Marian ay nag-alisan na raw ang mga tao.

Wala nang gaanong nanood kay JayR at sa grupo ni Ciara Sotto (na nakabase ngayon sa Las Vegas).

Maski si Paco Arespacochaga at ang kanyang banda ay nag-perform din habang may mga booth ng mga sponsor na nagbebenta ng produkto.

JOE BARRAMEDA
Abante Tonite

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: