The Big Switch: Jennylyn Mercado to ABS-CBN, Hero Angeles to GMA-7?

Kapag nagkataon, dalawang malaking “lipatan” ang magaganap sa susunod na taon kung saan dalawang artista-search winners ng ABS-CBN at GMA-7 ang balitang mag-o-ober da bakod—sina Hero Angeles at Jennylyn Mercado.

Si Hero ang kauna-unahang winner ng Star Circle Quest ng ABS-CBN samantalang si Jennylyn naman ang first Ultimate Female Survivor sa StarStruck ng GMA-7.

Malakas ang bulung-bulungan na pipirma na raw sa GMA Artist Center si Hero, samantalang si Jennylyn naman ay malaki ang posibilidad na lumipat na sa ABS-CBN pagkatapos ng kontrata niya sa Artist Center sa February 2008.

Jennylyn Mercado to ABS-CBN, Hero Angeles to GMA-7?

Mula sa isang tao na konektado sa GMA-7, napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nakahanda na raw ang pagpirma ni Hero bilang Kapuso talent. Ang nag-aasikaso raw ng napipintong pagpirma ng young actor sa GMA-7 ay walang iba kundi si German “Kuya Germs” Moreno na tumatayong consultant ngayon ni Hero.

Ang pinaka-exposure ni Hero ngayon sa GMA-7 ay ang Walang Tulugan With The Master Showman ni Kuya Germs at ilang guestings sa ibang shows ng Kapuso network. Noon pa man, nababanggit na ni Kuya Germs na bilib siya sa talento ni Hero at nanghihinayang siya na nawalan ito ng trabaho sa Dos.

Two years na rin na walang permanenteng trabaho si Hero sa showbiz since nagkaroon ng problema ang Dos sa kapatid nitong si Henry Angeles na tumatayong manager ng Star Circle Quest winner.

Ang ka-loveteam ni Hero na si Sandara Park ay wala na ring career sa Pilipinas. Nasa Korea na ito at sinusubukan ang kanyang kapalaran sa showbiz industry doon.

Samantala, hindi rin mamatay-matay ang isyu na lilipat na sa ABS-CBN si Jennylyn. Mula pa rin sa isang reliable source, sigurado na raw ang paglipat
ni Jennylyn next year. Tatapusin na lang daw ng young actress ang mga natitirang commitments niya sa GMA-7 at handa na itong mag-ober da bakod.

Ayon sa aming source ay hindi na raw masaya si Jennylyn sa mga ibinibigay na projects sa kanya ng kanyang home network. Kabilang daw ang afternoon soap opera na My Only Love at ang pelikulang Batanes sa ikinakatampo ni Jennylyn dahil nawala ang mga ito sa kanya. Pati nga raw ang role niya sa La Vendetta bilang multo ay hindi raw niya nagugustuhan dahil pasulpot-sulpot na lang siya dito.

Lalo pang umigting ang balita na lilipat na nga si Jennylyn sa ABS-CBN nang magbitiw siya ng salita sa panayam niya sa PEP na hindi niya isinasara ang kanyang pintuan sa Kapamilya network.

Aniya, “Hanggang next year pa ang contract ko sa GMA Artist Center. Pag-uusapan pa rin po naman namin ‘yon ng manager ko at ng GMA. Pero hindi ko po isinasara ang pintuan na puwede akong lumipat sa ABS-CBN.”

Ang pahayag na ito ni Jennylyn ay taliwas sa sinabi niya noon na hindi na siya magre-renew ng kontrata sa manager niya na si Becky Aguila kapag nag-expire na ito next year. Ilang beses din niyang sinabi na “loyal” siya sa GMA-7 dahil dito siya nakilala at sumikat.

Matatandaang nagkalamat ang relasyon ni Becky at ng GMA-7 management nang inilipat ng talent manager ang dating prized talent ng Kapuso network na si Angel Locsin sa ABS-CBN. Dahil dito ay nadamay ang iba pang mga alaga ni Becky na nasa GMA-7, partikular na si Jennylyn.

Sa ngayon, bukod kay Angel, halos lahat ng mga alaga ni Becky na dating nasa GMA-7 ay nasa ABS-CBN na gaya nina Valerie Concepcion at Charming Lagusad. Kaya hindi rin malayong sumunod sa kanila si Jennylyn.

RUEL MENDOZA & ERWIN SANTIAGO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: