Marimar is extended because of high ratings

Clueless si Marian Rivera sa naging issue na nilagyan ng “and” ang kanyang pangalan sa poster at opening credits ng pelikulang Desperadas, isa sa mga entry ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF), kung saan kasama niya sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, at Iza Calzado.

Ayon kay Marian—na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving ng Marimar last Saturday, December 1, sa GMA compound— nakarating daw sa kanya ang balita na may mga nag-react pagkatapos mapanood ang trailer ng Desperadas at makitang may “and” sa pangalan niya.

Dahil sa reaksiyon ng ilan ay tinanggal na raw ngayon yung “and” sa billing niya.

“Hindi ko po alam ‘yan, e,” sabi ni Marian. “Noong mag-dubbing ako for the movie, may nagsabi lang sa akin na may nag-react. Wala naman akong kinalaman sa paglagay ng pangalan ko. Hindi po ako billing-conscious.
“Para sa akin, tama lang na nasa hulihan ako ng billing kasi senior naman talaga sa akin sina Ruffa, Rufa Mae, at Iza. Kahit na wala akong ‘and’ sa name ko, it will not matter to me. Hindi ko naman hinihingi ‘yon.”

Dagdag pa ni Marian, hindi siya ang dapat tanungin tungkol sa billing niya sa Desperadas o sa isa pa niyang pelikula na Bahay Kubo, na entry rin sa MMFF this year. Ang producer daw at ang manager niya ang dapat sumagot sa mga tanong na ‘yan.

“Artista lang kasi ako sa movie,” diin ng young actress. “Wala akong kinalaman sa mga billing. Hindi ako dapat nakikialam diyan dahil baguhan pa lang ako sa ganitong trabaho. Siguro si Mother Lily [Monteverde] at ang manager ko [Popy Caritativo] ang dapat sumagot regarding that. Ako naman, I am just doing my job bilang artista.”

MARIMAR EXTENDED. Samantala, natuwa naman si Marian nang ibalita sa buong cast ng Marimar na extended ang kanilang programa hanggang March 2008. Dapat ay 24 weeks lang tatakbo ang Marimar, pero dahil sa consistent na mataas ang rating nito, na-extend pa ito ng seven more weeks.

“Nakakatuwa kasi lahat kami may mga trabaho hanggang March next year. Kaya naman lagi naming hinuhusayan ang trabaho namin para mas lalo nilang iibigin ang kuwento ng Marimar. Kinunan na nga ang wedding scene namin ni Marvin Agustin [who plays Rudolfo San Gines]. Malaking eksena ito at abangan nila ito,” sambit ni Marian.

Kasalukuyang nasa Las Vegas si Marian kasama ang leading man niya sa Marimar na si Dingdong Dantes para sa launching ng GMA Pinoy TV doon.

Nanghihinayang nga si Marian dahil three days lang daw siya mananatili roon at kailangan na niyang umuwi ng Pilipinas para sa taping ng Marimar at promo ng Desperadas at Bahay Kubo.

“Hindi ako puwedeng mag-extend ng stay sa US kasi marami akong naiwan na trabaho. Gusto ko sana kahit na one week lang, kasi first time ko sa US. Pero babalik na lang siguro ako doon para magbakasyon kapag tapos na ang mga commitments ko,” pahayag niya.

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: