Mariel Rodriguez picks her Big Four in “Pinoy Big Brother Celebrity Edition”

Sa interview kay Mariel Rodriguez sa radio program ni Ogie Diaz na Wow, Ang Showbiz! sa dzXL kaninang umaga, December 4, ay nasabi nito na bilang co-host ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition ay bawal sa kanya ang magbigay ng pangalan kung sinu-sino sa tingin niya ang papasok sa Big Four. Pero bilang former special guest housemate, sinabi rin niya kung sinu-sino ang mga gusto niyang pumasok sa Big 4 among the remaining housemates.

“I don’t know if I’m allowed to do this kasi I’m a host also,” pauna niya. “I’m speaking as a housemate… Ang Big Four for me are Ruben [Gonzaga], Mommy Yayo [Aguila], Donnie [Geisler] and, of course, Jon [Avila].”

Tinanong si Mariel kung iti-text ba niya nang todo-todo si Jon, na naging malapit sa kanya habang nasa loob sila ng Bahay Ni Kuya, para manalo ito.

“Alam mo, hindi ako nagti-text kasi host ako. Parang feeling ko, bawal,” maingat na sagot ni Mariel.

“Sana hindi siya ma-evict. Kung tungkol naman kung may namagitan sa amin, Jon and I will talk kung lumabas siya sa Bahay ni Kuya. Paglabas niya, we’ll talk.”

Sobrang nababaitan daw si Mariel kay Jon at aminado naman siya na talagang crush niya ang model.

Mariel Rodriguez picks her Big Four in

“Ang perception ko sa kanya noon ay guwapo siyang tao. Ngayon, he’s more than a pretty face. Sobrang ang bait niya, sobrang talino, at gentleman,” papuri niya.

Nanligaw ba si Jon sa kanya habang nasa loob sila ng PBB house?

“Tanungin n’yo na lang si Jon sa paglabas niya kung nanliligaw siya sa akin. Alangan naman na magsalita ako ng kung ano-ano, e, ‘yon pala, magkapatid lang kami, friendship lang pala!” natatawang sabi ni Mariel.

Isa talaga sa mga inabangan sa paglabas ni Mariel from the PBB house ay ang pagsisiwalat nito ng pangalan ng kanyang mystery friend na napanood sa PBB.

“Oh my God!” tili niya. “Nagkita na kami mula nang lumabas ako. Mystery talaga siya. Anyway, marami na rin akong inamin sa buhay ko noong nandun ako sa Bahay ni Kuya, so it will remain a mystery. Mas magandang iwan na rin siya sa ganun.”

Marami ang naniniwala na si Zanjoe Marudo ang mystery friend ni Mariel, pero talagang ayaw umamin ng dalaga. Ano ba talaga ang relasyon nila ng model turned actor?

“Tanungin n’yo si Zanjo,” sabi niya. “Pero sana alisin na natin siya sa isyung ito kasi nakakahiya naman sa kanya. Wala naman siya sa loob ng Bahay ni Kuya. Sometimes, nahihiya na lang ako sa kanya. Let’s just respect his privacy.”

Ano naman ang masasabi niya sa iba pang celebrity housemates na sina Baron Geisler at Riza Santos?

“Si Baron, ang sweet-sweet niya, sobra!” bulalas niya. “Sobrang ang bait nun. Siya yung tao na when I first got in, akala ko talaga na hindi kami magki-click nito. Si Baron talaga, ang dami kong natutunan sa kanya. He’s such a wonderful person.

“Si Riza naman,” patuloy niya, “she likes fixing herself talaga, pero hindi siya maarte. Sa lahat ng pagsubok and challenges na ibinigay ni Kuya, never ‘yan na nag-inarte. Whether masugat-sugatan na siya, gagawin niya ‘yon lahat. I like her and everyone in the house.”

Alex Datu
PEP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: