Mariel Rodriguez apologizes for her negative comments inside PBB house

Sinagot ng TV personality na si Mariel Rodriguez ang lahat ng mga intrigang nagsilabasan habang nasa loob siya ng Pinoy Big Brother (PBB) house kahapon, December 2, sa The Buzz.
Naluha si Mariel habang pinapanood niya ang VTR ng mga pinaggagawa niya sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Luha siya ng masaya, nalulungkot, nami-miss ang mga housemates. Natutuwa that I’m here. I still can’t believe na I experience all that in seven weeks,” umpisa ni Mariel nang hingan ng reaksiyon pagkatapos mapanood ang VTR.

Sino ang pinakanami-miss niya sa PBB house?

Mariel Rodriguez apologizes for her negative comments inside PBB house“Si Kuya,” natatawang sagot ni Mariel. “Nami-miss ko si Kuya. Gusto kong marinig yung ‘Mariel, pumasok ka sa loob ng confession room. Kumusta ang araw mo?’ Yung ganun. Kasi, I really, really felt like I was really close to him, sobra, nung buong time na nasa loob ako.”

May mga natutuwa sa pagiging prangka ni Mariel sa loob ng Bahay ni Kuya, but at the same time, may mga naiinis din sa kanya.

“Yeah, actually, this morning my Yaya gave me a copy of this tabloid. ‘Tapos binasa ko siya. ‘Tapos, I was really parang shock na ganun yung… I’m really gonna be honest like, right now, I still don’t know how I feel about it and I’m gonna take it one step at a time. Pero ngayon pa lang, gusto ko munang mag-apologize,” pahayag ni Mariel.

“KADIRI” ISSUE. Bakit niya sinabi na “kadiri ang showbiz”?

Paliwanag ni Mariel, “You know, when we say na parang a lot of people do this and I feel bad that I’m one of those people when we say na parang ‘Ay, showbiz ka naman, e.’ Yung parang plastik, not plastik, but you know what I’m saying?

“It’s just a term. It’s not our industry. It’s not our work. It’s not my job. It was just a term, ganun. Sabi ko nga, I have no intentions or whatsoever, and I never will hurt anyone in the industry. If meron akong nasaktan, gusto ko talagang mag-apologize. I’m really very sorry. I didn’t mean anything by it. I love my job.”

Wala raw siyang ibang ipakahulugan sa sinabi niyang kadiri ang showbiz.

“Wala,” diin ni Mariel. “No, kumbaga, parang kadiri yung mga plastic, yung mga hindi nagpapakatotoo. Yung ganun.”

Like who?

“No, like there are so many people you think they’re you’re friends, pero they’re not pala. That’s sort of thing which is wrong. I shouldn’t even be like saying that, kasi it’s really wrong. Honestly, natuto ako from that. Isa ‘yon sa mga natutunan ko, na I should really watch what I say. Alam mo ‘yon?

“Sobrang I’m really sorry kung meron akong nasaktan,” pahabol niya.

Sweet and disente pa rin daw siya sa kabila ng pagmumura na ginawa niya sa loob ng PBB house.

Aniya, “I’m still sweet. I’m still disente. I’m also a person. Alam mo ‘yon? Meron din akong mga flaws. Nung bago ako pumasok talaga, I was really shocked and I’m really sorry if I say a lot of bad words. Kayo kaya, try ninyong makulong na hindi kayo prepared? I’m sure mapapamura rin kayo.

“Pero when Kuya told me about it, I watched talaga myself and I think isa ‘yon sa mga nagawa ko sa house. Na-lessen ko talaga pagba-bad words ko, kasi hindi talaga siya maganda.”

MYSTERY GUY. Sino yung kausap niya sa telepono, yung nasa picture na tinatakpan niya at niyakap ang balikat sabay sabing, “I miss you”? Marami ang nagsasabi na si Zanjoe Marudo ang friend na laging binabanggit ni Mariel sa PBB house.

“My friend will be my friend,” pag-iwas niya sa tanong. “Secret ko na lang ‘yon. Anyway, seven weeks naman ako sa bahay ni Kuya. Marami na akong ipinakita. Yung friend ko, let’s keep him a mystery. Parang si Kuya, mystery siya. Si Banker, mystery siya. Si Friend, forever na mystery na lang siya.”

Meron ba talaga silang relasyon ni Zanjoe?

“Ask him!” sabay tawa ni Mariel.

Nami-miss ba niya ang celebrity housemate na inili-link din sa kanya, si Jon Avila?

“Of course,” pag-amin niya. “Yeah, even before pa naman akong pumasok, guwapong-guwapo na talaga ako kay John. Crush ko talaga siya. Ang guwapo niya!”

Si Jon ba o si Zanjoe yung kayakap niya noon sa loob ng confession room?

“Puwede bang yakapin ko ang sarili ko na lang ulit talaga?” biro niya. “I don’t know. I honestly don’t know kasi you see in the Big Brother house, it’s an artificial environment, so I really, really don’t know. Jon and I are friends. Zanjoe and I are friends. So, we’re all friends. Hahaha!”

Hindi naman itinanggi ni Mariel na paglabas niya ng Bahay ni Kuya ay agad silang nagkausap ni Zanjoe.

SMELLY FEET. Samantala, sinagot din ni Mariel ang isyu na may mabaho ang paa among the celebrity housemates na naghubad ng sapatos.

Paliwanag niya, “Actually, because I don’t know if they [housemates] know this, ha, I have a task. I had a task to ber sobrang maarte, extra reklamadora, lahat. Para lumabas lang yung totoong personality ng mga housemates.

“Kasi, di ba, before dahil mga celebrities yung mga nandun, nag-aakting ang mga ‘yan? They’re gonna be safe. Pero para lumabas ang totoo, someone has to set-up. Parang be over OA, that’s why I did that. Plus, I got that Victor thing because I had special task to take picture.

“Yeah, nabasa ko kasi sa diyaryo ‘yon. I had to take pictures of like maduming sapatos, maduming clothes, pinakamaruming paa. But I love Victor, I super love him. He’s a good person,” sabi ni Mariel bilang pangwakas.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: