Katrina Halili considers “Shake, Rattle & Roll 9″ a breather from “Marimar”

Title role si Katrina Halili sa kanyang first Shake, Rattle & Roll appearance—ang ninth installment ng naturang Regal horror franchise. Siya ang bida sa “Engkanto” episode ni Topel Lee.Kasama ni Katrina rito ang Pinoy Big Brother Teen Edition ex-housemate na si Matt Evans, StarStruck 4 winners Mart Escudero and Jewel Mische, Star Circle Quest 1 graduate Melissa Ricks, Studs member Felix Roco, and Little Big Superstar champion Sam Concepcion.

Second film festival entry ni Katrina ang Shake, Rattle & Roll 9 after last year’s Super Noypi. Third movie naman niya ito after her launching film Gigil and this is also her first horror movie. Ito rin ang first time niyang magiging kontrabida sa pelikula.

Sabi ni Katrina sa presscon ng SRR 9 kagabi, December 2, sa Imperial Palace Suites, enjoy pa rin siya sa shooting ng “Engkanto” dahil breather daw ito sa Marimar nila ni Marian Rivera.

Katrina Halili considers

“Sa Marimar, sa dami pa lang po ng damit na pinagpapalit-palitan ko kada eksena, pati na hairstyle—compared sa shooting dito [SRR 9] na isang damit at isang hairstyle lang—ang gaan nito para sa akin,” paliwanag niya.

Mas kilala man ngayon bilang the sexiest woman for the past two years via FHM at primera-kontrabida sa Marimar, hindi ito ang gustong iwang marka ni Katrina sa audience niya kundi ang pagiging komedyante niya.

Napapansin na rin ng marami na kakaibang klaseng pagku-kontrabida ang ginagawa niya sa Marimar dahil may halo itong komedya.

“Ayoko pong mag-iwan ng marka sa tao na bad ako, baka kagalitan ako ng tao. May fans akong bata,” natatawa niyang dagdag.

Sa Marimar, pinapayagan daw siya ng dalawang directors nilang sina Joyce Bernal at Mac Alejandre na mag-adlib.

“Yun po ang nakakatuwa. Yung mga comedy lines namin ni Sheena [Halili, na gumaganap na Monica], ako ang nagdadagdag nun,” kuwento niya.

Nag-explain naman siya na hindi niya ito pinipilit sa directors niya. Sila raw mismo ang nagsa-suggest nito.

“Bago po kasi take, rehearsal muna. Minsan, bigla akong may maiisip na sundot ‘tapos masasabi ko. Sina Direk Joyce, biglang sasabihin, ‘Ay nakakatawa ‘yan, ilagay mo ‘yan.”

Very proud din si Katrina na ang mga punchlines ni Sheena sa Marimar ay dahil galing daw lahat sa kanya.

“Ang Marimar po kasi, mabigat,” sabi ni Katrina. “Kaya iniisip ko, kapag nakikita na kami ni Sheena, dapat light naman kahit paano. Ako ang nagbibigay ng punchline kay Sheena. Sasabihin ko sa kanya, ‘Ito ang isundot mo para nakakatawa.’ So far, okay naman po sa viewers. Mga kontrabida kami, pero aliw, hindi masasama.”

Kung gugustuhin ni Katrina, ang character niyang si Angelika ang palaging mag-punchline. Pero ibinibigay niya ito kay Sheena kung kaya’t nagsa-shine din ang kanyang co-Avenger noon sa first StarStruck.

“Sa character niya po mas bagay yung mga linya kaya sa kanya ko ibinibigay,” paliwanag niya.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: