Dolphy, hiyang-hiya sa ABS-CBN

Kahapon ginanap ang kasal nina Vandolph Quizon at Jenny Salimao, ibinenta nila ang TV rights ng kanilang kasal sa GMA 7, kaya sumulat naman ang network sa ABS-CBN para sabihing nakuha nila ang coverage nito.

Ang ibig sabihi’y hindi puwedeng kumuha ng footage ang Dos sa kasal, ang mga programa ng Siyete lang ang puwedeng magdala ng mga camera, na nirespeto naman ng istasyong pinag­tatrabahunan ni Vandolph.

Ang inaalala noon ng marami ay ang sentim­yento ni Tito Dolphy, siguradong magtataka ang Hari Ng Komedya dahil sa ABS-CBN sila nagta­tra­baho ng kanyang anak, pero bakit parang pinagdamutan ni Vandolph ang Dos?

Nakarating na pala sa Ace Comedian ang senaryo, ayon sa aming source ay napailing na lang si Tito Dolphy, sabi raw ng komedyante ay ayaw na nitong makialam pa dahil nasa wastong edad na si Vandolph para magdesisyon kung ano ang tama at mali.

Yun na lang ang pinakamagandang magagawa-masasabi ni Tito Dolphy para unawain ang posisyon ng kanyang anak, nandun ang sobrang pagkapahiya ng Hari Ng Komedya sa ABS-CBN dahil sa nangyari, pero nakapagdesisyon na nga naman si Vandolph.

Nagkaroon man ng hindi magandang pangyayari ay hangad pa rin namin ang isang maluwalhating pagsasama para kina Vandolph at Jenny, matagal na silang magkarelasyon, sinubok na ng panahon ang kanilang katatagan na nalampasan naman nila yun.

Panahon na talaga para gawing legal ang kanilang pagsasama, harinawang maging maayos ang kan­ilang buhay-mag-asawa, tulad nung hindi pa sila huma­harap sa altar.

Nasapul ni Jenny ang mga panahong hindi pa ganun kaseryoso si Vandolph sa buhay, gulo rito at aksidente dun ang kanyang kinasasangkutan, pero nana­tiling nandiyan lang ang dancer para sa komed­yante.

Seryoso na sa buhay ngayon si Vandolph, magkaka­pamilya na sila, kaya wala kaming hangad kundi ang mas pagtibay pa ng pundasyon ng kanilang pagmamahalan.

CRISTY FERMIN
Pilipino Star Ngayon

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: