Eat Bulaga 24/7

PAPUNTANG Abu Dhabi ngayon ang grupo ng Eat Bulaga nina Vic Sotto, Tito Sotto, at Joey de Leon. At siyempre, hindi sila mami-miss ng mga fans nila, lalo na nga at kamakailan ay naglunsad sila ng sarili nilang website na puwede niyong ma-access 24/7.

Puwede kayong pumunta sa http://www.eatbulaga.tv at panoorin ang makulay na istorya ng Eat Bulaga simula pa noong mag-broadcast sila, mahigit sa 28 na taon.

Maririnig din ang pamilyar na theme song ng Eat Bulaga at makikita ninyo kung paano nagbago ang panlasa ng Pinoy sa pamamagitan ng pagbigay nila ng kakaibang kasiyahan tuwing tanghali.

Ang website ay nagpapakita ng iba’t ibang segments na napapanood din sa telebisyon katulad ng Taktak Mo o Tatakbo, On the Spot Jackpot, Ang Joke Ko, Bulagaan, etc. Makikita rin ang mga nanalo at video clips ng programa, at sample entry forms ng bawat game portion.

Isa sa features ng Eat Bulaga website ay ang pagiging interactive nito kung saan puwedeng magpadala ang viewers ng kanilang favorite joke. Kung mapili ang entry mo, ang joke ng nagpadala ay gagamitin sa “Dabarkadas Joker” segment at may premyo ha. Makikita rin sa website ang mga forthcoming events ng Eat Bulaga at mga babala sa mga taong gustong gamitin ang programa sa illegal solicitations.

Para naman doon sa gustong makipagpalitan ng kuru-kuro, may forum page na available for posting ng comments tungkol sa show o sa mga hosts nito. So, kung gusto niyong maging part ng Eat Bulaga, i-click lang ang http://www.eatbulaga.tv.

ALFIE LORENZO
Abante Online

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: