Valerie Concepcion denies being Manny Pacquiao’s new apple of his eye

“I don’t see myself na nanggugulo ng pagsasama, na magiging dahilan ako ng pagkakawatak-watak ng isang buong pamilya,” explains Valerie Concepcion about rumors

Pagkatapos ma-link ni Ara Mina kay Manny Pacquiao, isa na namang aktres ang nauugnay sa boxing champ—si Valerie Concepcion.

Bali-balita kasi na si Valerie ang bagong apple of the eye ng boksingero, na tiyak na magiging dahilan daw ng pag-aaway ng mag-asawang Manny at Jinky Pacquiao. May mga usap-usapan na nakikita raw na palihim na lumalabas sina Valerie at Manny, pero dahil walang lihim na hindi nabubunyag ay pumutok nga ang naturang balita.

Sa panayam ng PEP kay Valerie last Saturday, December 1, sa hallway ng ABS-CBN, mariing pinabulaanan ng aktres ang tsismis sa kanila ni Manny.

Valerie Concepcion denies being Manny Pacquiao's new apple of his eye

“Actually, nakakatawa yung issue na ‘yan dahil mayroon kaming ginagawang movie ni Manny, and I think it all started because of that movie. I can say it’s all of…parang promo ng movie namin. Ako, I’m not guilty of anything, so tinatawanan ko na lang,” kampanteng pahayag ni Valerie.

Sa palagay ni Valerie ay nagsimula ang isyu sa kanila ni Manny nang magbitaw ng salita ang Pambansang Kamao tungkol sa kissing scene nila sa pelikulang Anak Ni Kumander, na kalahok sa 2007 Metro Manila Film Festival.

“Ito, may nagsabi lang sa akin because I wasn’t there. Sabi ng isang reporter na nag-interview sa akin, nagbigay nga daw ng statement si Pacquiao na mas gusto daw niya yung kissing scene namin kesa sa kissing scene nila ni Ara. Siyempre, ginawan na ng anggulo ng ibang tao,” paliwanag ng aktres.

Sinabi ni Valerie na kahit kailan daw ay hindi siya papatol sa isang lalake na may sabit na.

“Kung single at malaman kong may girlfriend at iiwanan niya para sa akin, hindi ko siya ie-entertain. Kasi, ano ang kasiguraduhan na hindi niya rin ako ipagpapalit sa iba?

“Dun naman sa mga may-asawa, sabihin na ng mga tao na tanga ako, na magpaka-praktikal ako nowadays. But I don’t see myself na nanggugulo ng pagsasama, na magiging dahilan ako ng pagkakawatak-watak ng isang buong pamilya.

“Isa pa,” patuloy niya, “I’m happy with my career. That’s the last thing I need. Nabubuhay at kumakain pa naman ako three times a day so, kumbaga, napaka-ewan naman ng nag-iisip ng ganun.”

Hindi ba siya napipikon na parang siya ang pumalit sa posisyon ni Ara at siya naman ang ginagawan ng mga isyu kay Manny para lang sa promo ng movie?

“Wala akong pakialam,” mariin niyang sabi. “Yung mga tao din naman ang makaka-dsicover kung ano talaga ang totoo, di ba? Basta ako, I’m guilt free, wala akong ginagawang masama. Maglabasan na ang kung anu-anong issue, gumagawa naman ng paraan ang Diyos to always clear my name.”

Melba Llanera
PEP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: