Maui, ‘minaliit’ ang ‘alaga’ ni Mo!

UNFAIR ang tingin ni Jennifer Lee sa nangyari sa bagong sexy video nila, ang ‘Hot Babes Gone Wild’ ng Viva Video. Eh kasi raw, silang mga babae lang ang pinaghubad, samantalang ang host na si DJ Mo Twister, na kasama nila sa video ay hindi.

Si DJ Mo ang nagsilbing host ng sexy video nila. Sa video na `yon, tinanong ni DJ Mo ang Viva Hot Babes sa kani-kanilang drama sa kama o relasyon sa lalake, at inutusan pa sila na gumawa ng kakaibang pakikipaglandian sa piling ng mga inimbitang barako.

“May appeal sa akin si DJ Mo, kasi matalino siya. Ang sarap niyang kausap. Sana pinaghubad din si DJ Mo, `di ba? Gusto ko siyang makita na nakahubad, para pantay ang laban,” say ni Jen.

Narinig ni Maui Taylor na katabi lang namin ni Jen sa upuan ang tsika ni Jen.

“Wala ka namang makikita sa kanya,” nakangiting hirit ni Maui.

Aba, parang may karanasan na si Maui kay DJ Mo, ha?

“Wala pa, `no! At hindi ko pinangarap!” sundot niya.

Eh, paano mo nalaman na walang makikita kay DJ Mo? Paano mo nasigurado na ‘dyuts’ lang si DJ Mo?

“Sabi ng partner niya sa radio, `di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!” humahalakhak na sambit ni Maui.

Well, may paniniwala ang iba na kung kulang sa height ang isang lalake, bawing-bawi naman `yon sa sentro ng kanyang pagkatao.

DONDON SERMINO
Abante Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: