Maja Salvador feels stronger after losing her dad

Sa unang pagkakataon ay lumabas na sa publiko ang dalagang aktres na si Maja Salvador ilang linggo matapos ang pagkamatay ng kanyang ama na si Ross Rival.

Matatandaan na naibalita dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkamatay ng dating character actor na si Ross sa sakit na prostate cancer noong November 16. Halos matagal ding hinanap ni Maja ang kanyang ama pagkatapos mawala ang kanilang komunkasyon sa isa’t isa.

Apat na taon na ang nakalilipas nang muling makita ni Maja ang amang si Ross. Ngunit matindi na ang lagay ng kanyang ama noon kaya naman tuluy-tuloy na rin ang pagtulong ng batang aktres sa pagpapagamot ni Ross. Huling nakita ng publikong magkasama sina Ross at Maja nang mag-debut ang huli noong nakaraang taon.

Sa live interview ng Entertainment Live kahapon, December 1, bakas pa rin kay Maja ang lungkot sa pagkawala ng kanyang ama.

Bagamat masakit ang nangyari, ayon kay Maja, kahit papaano ay pinipilit na lamang nilang magkakapatid na maging masaya. Aniya, “Ngayon parang okay na kasi alam ko naman na happy na si Papa. So parang yung Dad ko parang ayaw niya rin kaming magkakapatid na malungkot so inaano na lang namin na okay na kami.”

Ayon kay Maja, marami raw naiwang magagandang pangaral ang kanyang ama na hindi niya makalilimutan. At dahil sa nangyari sa kanyang ama, ani Maja, “Mas naging strong [ako]. Parang sa lahat ng bagay na gagawin ko, sigurado akong tama ako, gusto ko maayos lahat, yung ganun.”

Dagdag pa ng aktres, “Siya na yung guardian angel ko ngayon, sa aming magkakapatid.”

Nang tanungin kung may mensahe ba siyang hindi nasabi sa kanyang ama bago ito mamaalam, halos maiyak na umiwas si Maja at sinabing, “Alam niya na yun.”

NERISA ALMO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: