Dennis Trillo not allowed to see his son with Carlene Aguilar

Nagbati na sina Cristine Reyes at Carlene Aguilar, pero hindi pa rin tumitigil ang mga negatibong reaksiyon tungkol sa young actor na si Dennis Trillo. Noong hindi nagsasalita si Dennis sa away nina Cristine at Carlene ay binabatikos na siya. Pero nung magsalita na siya sa wakas pagkatapos magbati nina Cristine at Carlene, may mga tumitira pa rin kay Dennis.Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa presscon ng Shake, Rattle, & Roll 9 kahapon, December 2, sa Imperial Palace Suites. Kasama si Dennis sa episode na “Bangungot.”

“Ganun talaga,” buntung-hininga ni Dennis nang kunin namin ng pahayag tungkol sa patuloy na pagbatikos sa kanya ng ilan. “Pero nagpapasalamat ako dahil marami pa rin ang nakakaunawa. Magsawa sila, ganun lang ‘yon.”

Pero kumusta na siya ngayon? Naka-move on na ba siya?

Dennis Trillo not allowed to see his son with Carlene Aguilar

“Paunti-unti, pero hindi naman totally. Pinipilit kong ayusin kung anuman yung natitira sa akin,” pahayag niya.

May balita na hindi na raw ipinapakita sa kanya ni Carlene ang anak nilang si Calix Andreas. Totoo ba ito?

“Oo nga,” pagkumpirma ni Dennis.

Ano ang nararamdaman niya na hindi niya nakikita ang kanyang anak?

“Malungkot siyempre, kasi ito pa naman yung stage niya na ayaw kong i-miss out ang pagiging tatay ko. Gusto ko siyang makita. Magpa-Pasko pa naman. Sana makasama ko siya,” sabi ni Dennis.

Dahil “Bangungot” ang title ng episode niya sa SRR 9, maituturing ba niya na isang bangungot ang nangyaring eskandalo sa kanila nina Carlene at Cristine?

“Ano lang ‘yon, isang napakatinding pagsubok,” paglilinaw niya. “Ayokong ituring na bangungot dahil marami akong natutunan at na-realize. May mabubuting points din akong nakuha sa nangyari at sana mai-apply ko sa buhay ko.”

Kinuha rin namin ang reaksyon ni Dennis sa sinabi ni Ara Mina na hanggang ngayon ay hindi alam ng aktres kung hanggang kailan mawawala ang pagiging cold niya sa young actor.

“Ayoko na lang mag-comment tungkol diyan,” pag-iwas ni Dennis. “Pero ganun talaga. Hindi ko naman maiaalis sa kanya na magalit sa akin dahil kapatid niya si Cristine.”

Samantala, tinanong din namin si Dennis tungkol sa balita na nakikipag-jamming diumano siya sa ilang male models para sa drugs.

“Hindi totoo ‘yon,” mariing tanggi ni Dennis. “Hindi ko alam na may ganung isyu. Pero lahat naman puwedeng matsismis na nagda-drugs. Pero sorry, dahil wala akong pambili ng ganun.”

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: