Cristine Reyes stays with GMA-7, agrees to do “Joaquin Burdado”

Umiiwas at napipikon na si Cristine Reyes sa mga tanong sa kanya tungkol kay Dennis Trillo sa grand opening ng first venture niya sa pagnenegosyo, ang Serve Disco Bar sa Araneta Coliseum. Hangga’t maaari ay ayaw nang magsalita ni Cristine sa naganap na sigalot sa kanila ni Dennis at ni Carlene Aguilar, na ina ng anak ng young actor.”Tapos na po kasi para sa akin kung anuman yung nangyari. Ayoko nang magbigay ng comment,” pakiusap ni Cristine sa entertainment press na gusto siyang hingan ng pahayag.

YOUNG ENTREPRENEUR. Dahil sa hiling na ito ni Cristine ay tinanong na lang muna namin siya sa bago niyang negosyo. Isa si Cristine sa mga nagmamay-ari ng Serve, kung saan kasama niya rin as owners sina Mark Herras, Joshua Zamora ng Maneouvres, Jopay Paguia ng SexBomb, at ang comedy bar entrepreneur na si Lito Alejandria.

Cristine Reyes stays with GMA-7, agrees to do

“Unang-una, hindi naman ako business-minded, pero naintindihan ko si Mama Lito. Magaling naman siya at may tiwala ako sa kanya. So, napag-isipan ko na sumali dito sa Serve,” pahayag ni Cristine.

Malaki ba ang inihati niyang kapital para sa negosyo nila?

“Maliit lang pero worth it naman kasi ang ganda-ganda ng Serve, di ba? Nagulat din ako mismo nung makita ko siya na gawa na. Ang ganda!” bulalas ng young entrepreneur.

Hindi kaya mabuhay ang isyu sa kanila ni Mark since mag-partner sila sa bago nilang business?

“Kami naman ngayon ni Mark, magkaibigan kami. Pinagtatawanan na nga lang namin yung dati kapag napapapag-usapan namin,” paliwanag ni Cristine.

STILL A KAPUSO.
Sa gitna ng kontrobersiya kina Cristine at Carlene, umugong ang balita na aalis na siya sa GMA-7 at lilipat sa ABS-CBN. Totoo ba ito?

“Siguro matatapos na rin ‘yan kapag nalaman nila ngayon na may Joaquin Burdado ako kaya hindi ako puwedeng lumipat,” sagot ng young actress, na ang tinutukoy ay ang action-fantasy series na pagbibidahan ni Robin Padilla.

Hindi ba’t tinanggihan na raw niya ang proyektong ito?

“Pero ngayon nagkaroon na ng pag-uusap,” paglilinaw niya. “Napag-usapan na namin kung ano yung gusto namin kaya okay na lahat.”

Last week pa raw naselyuhan ang pagiging isa sa mga leading ladies niya ni Robin sa nabanggit na action-fantasy series ng Kapuso network.

Ani Cristine, “Kung anuman yung napag-usapan, sa amin na lang po ‘yon. Basta ang importante, nasa Joaquin Burdado na ako.”

Kasabay ba nito ang pagpirma niya ng bagong kontrata sa GMA-7?

“Hindi po” tanggi niya. “Yung kontrata ko mag-e-expire sa February [2008]. But because of Joaquin, parang ‘yon yung magsi-seal ng kontrata ko until February. Six months po ‘yon, e. Susunod na pag-uusapan ang renewal ng kontrata ko. Wala pa akong ideya kung ilang years ang magiging kontrata ko ulit sa GMA.”

Sa kabila nito, tuloy pa rin si Cristine sa pagsama sa kanyang ate na si Ara Mina pagpunta nito sa Guam to do a show with Willie Revillame para sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee.

“Hindi naman ako kasali sa magpe-perform. Isinama lang ako ni Ate para makapag-bakasyon din ako,” paglilinaw ni Cristine.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: