Ara Mina gives Dennis Trillo the cold treatment

Masaya si Ara Mina para sa kapatid na si Cristine Reyes pagkatapos malampasan nito ang kontrobersya sa pagitan nila ni Carlene Aguilar. Unti-unti na rin daw nabibigyan ng pansin ang kanyang nakababatang kapatid at nakikilala ang kakayahan bilang artista.

“Proud ako sa kapatid ko,” ang nasambit ni Ara noong makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand opening ng bagong Serve disco bar sa Araneta Coliseum. Ayoko rin namang lalait-laitin ang kapatid ko, ‘di ba?”

Sa FHM calendar, ikinuwento ni Ara na napakaseksi ni Cristine. Matutuloy na rin ang unang pelikulang pagsasamahan nilang magkapatid.

Ara Mina gives Dennis Trillo the cold treatment

“Ibibitin muna namin kayo kung sino ang producer namin. But it’s a digital film,” sabi ng aktres na makakatambal ni Manny Pacquiao sa Metro Manila Film Festival entry na Anak ni Kumander.

Originally, si Dennis Trillo ang kinukuha nilang leading man ni Cristine for the said movie. Pero hindi na raw ngayon at pinalitan na siya ni Paolo Paraiso.

“Yeah,” ang pagkumpirma niya. “Pero hindi pa nangyayari yung insidente sa kanila ni Cristine, hindi na talaga siya p’wede. Nakausap ko ang manager niya, hindi na ma-accommodate ang schedule na binigay namin. Kasi start na kami ng shooting ng movie sa January.”

Kasama rin daw sa movie, na tentatively titled Ate, ang beteranong aktor na si Eddie Garcia. Napaka-understanding daw ni Manoy, ang kilalang tawag kay Eddie, dahil hindi raw sila pinahirapan sa budget.

Aniya, “Actually, ang ginagawa ko ngayon nagka-canvass-canvass ako kung saan ako makakamura. Kasi gustung-gusto ko talaga na magkasama kaming magkapatid. E, wala namang nakakaisip, e, ‘di ako na lang. And gusto ko, parang ito yung pinaka-launching ni Cristine.”

Hindi ba’t ang kalalabas na Green Paradise ni Cristine ang kanyang launching movie?

“Sabi ni Cristine, mas gusto niyang launching itong Ate kasi si Peque Gallaga ang gumawa ng story, Gina Tagasa ang screenplay, ‘tapos si Direk Lorie Reyes ang director. At lalabas talaga ang akting namin.”

Ano naman ang masasabi niya kay Dennis pagkatapos maayos ang gusot kina Cristine at Carlene?

“Ay, ayokong magsalita, no comment,” ang mabilis na sagot ng aktres.

Pero nasaktan din ba siya sa nangayri sa kapatid niya?

“Definitely, na-hurt ako. Alam niya yun,” tukoy niya kay Dennis.

Nagkita na raw sila ni Dennis pagkatapos ng pagbabati nina Cristine at Carlene. “Bumeso naman siya sa akin pero ako lang yung cold,” aniya.

Kapag nagkita sila ulit ni Dennis, magiging cold pa rin kaya si Ara sa aktor? “Bahala na. Let’s see. Time will tell.”

Matagal ba bago maghilom ang sakit na dulot ni Dennis sa kanya?

“Oo naman,” sagot agad ni Ara. “Hindi naman mabilis ang sugat na gagaling agad.”

Sa nasabi ring grand opening, namataan namin si Ara, kasama si Manny Pacquiao na kumakain sa isang sulok ng disco bar. Si Ara at Manny ang nag-cut ng ribbon sa opening ng bar.

“Ay, grabe! Sweet kami. Kinikilig ako,” biro ni Ara.

Hindi ba siya natatakot na baka matsismis ulit sila ni Pacquiao?

“Hindi na…Hindi na ako natatakot kasi wala naman.”

Baka mag-react ang misis ni Pacman na si Jinky?

“Alam mo, dapat wala nang mag-react kasi kawawa rin naman si Jinky. Kasi may naninira lang sa pamilya ni Manny. Sana tigilan na ninyo ang paninira na ‘yan.

“Meron kaming sariling pera at nagtatrabaho kami ng maayos. Matagal na ako sa industrya kaya stop. Stop! Stop! Enough! Enough!” ang huling bintiwang linya ni Ara.

JULIE G. BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: