Richard Gomez on Cesar Montano’s spar challenge: “Hindi ko tatanggapin.”

“Good news sa amin iyon,” nakangiting wika ni Richard Gomez nang malaman niya na ang soap nila sa GMA-7, ang Marimar, ay extended hanggang March, 2008.Last Friday evening, November 30, noong nagkaroon ng thanksgiving mass and dinner sa executive lounge ng GMA Network Center for the continued success of Marimar.

Nagpalagay pa ng TV set sa lounge para mapanood ang ilang eksena ng naturang drama soap. Sa eksena ni Richard as Renato, ama ni Sergio (Dingdong Dantes) at asawa ni Angelika (Katrina Halili), sa hospital, nagiging stable na ang kalagayan niya. Si Dr. Ria (Carmina Villarroel) ang kanyang doctor.

Naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung hindi ba siya nahirapan sa mga torture scenes niya sa soap?

Richard Gomez on Cesar Montano's spar challenge:

“Nahirapan at masakit din dahil I need to act it out,” sabi ni Richard. “Mas mahirap kasi iyong iaarte mo kaysa doon sa ginagawa sa iyo dahil pwede namang dayain iyong torture scene. Pero masakit iyong pinipilit mong kumawala sa pagkakatali sa iyo,” ang sagot ng guwapong aktor.

Magiging love interest ba niya si Carmina Villarroel sa story?

“Yes,” ang mabilis niyang sagot. “Nakakatawa nga, noong bata pa si Carmina, naging anak ko siya sa Kapag Langit Ang Humatol (1990), ‘tapos naging sister ko siya sa Palibhasa Lalaki, ngayon, love interest ko na siya. Ako rin ang magiging dahilan ng breakup nila ng boyfriend niya, to be played by Dr. Hayden Kho of Celebrity Duets.”

Wala pa ba siyang movie or bagong TV show na gagawin?

“Okey na muna sa akin itong Marimar. May offer na sa akin si Wilson Tieng ng Solar Films, ang remake ng Dahil Sa Isang Bulaklak na pagtatambalan daw namin ni Dawn [Zulueta] next year. May offer din sa akin ang GMA Films para muli kaming magtambal ni Sharon [Cuneta]. Hindi ko lamang alam kung alin ang mauuna. Si Sharon daw kasi, tatapusin muna iyong movie na ginagawa niya kay direk Chito Roño sa Star Cinema. Okey na sa akin kahit one movie a year lamang, kung magiging dalawa, mas maganda.

“Pero given a chance gusto kong gumawa kami ulit ni Manong Joey [Marquez] at Benjie [Paras] ng sitcom, kahit sa ABC-5 pwede, matuloy lamang iyon. Magkasama kasi kami ni Manong Joey na nag-guest sa Shall We Dance ni Lucy [his wife] para sa birthday presentation niya sa December 11 sa ABC-5 at iyon ang napag-usapan namin. Gusto ko ring mag-host ng isang game show or a reality show,” ang pahayag ni Goma, kilalang palayaw niya sa showbiz.

Naitanong rin ng PEP kay Richard kung tatanggapin ba niya ang hamon ni Cesar Montano na maglaban sila ng boxing show nito, ang Pinoy Mano Mano sa ABS-CBN?

“No, hindi ko tatanggapin. Hindi naman kasi ako nagbo-boxing,” aniya.

Dagdag pa ni Richard, “Siguro kung sa ibang larangan, tulad ng fencing o target shooting, tatanggapin ko. Wala naman akong laban na inuurungan pero hindi ako nanghahamon ng away, saka player ako ng Philippine team. Siya, baka gusto niyang mag-join, may charity show kami for a cause, a fundraising shooting competition.”

May lumabas din na issue na kailangan daw bang mag-sorry sa kanya ni Cesar tungkol sa nangyari sa kanila noong nakaraang eleksiyon. Totoo ba ito?

“Wala naman kaming dapat ipag-sorry sa isa’t isa, dahil pareho naman kaming talunan noong eleksiyon. Dapat ay kalimutan na lamang ang mga bagay na iyon.”

Muli ba siyang kakandidato sa susunod na eleksiyon?

“Ayaw ko munang isipin iyon. But if ever, mas gusto ko ang local position. Iyon ang gusto kong takbuhan noon, kaya lamang, nagkaroon ako ng problema sa residency kaya napataas ang posisyon na tinakbuhan ko. Pero sa ngayon, patuloy naman kaming tumutulong ni Lucy sa mga nangangailangan. Hindi naman dapat pang sabihin kung anu-ano iyon,” ang sagot ng aktor.

Malapit na ang Christmas, ano ang Christmas plans niya with Lucy and their only daughter Juliana?

“Balak sana namin, kina Lucy sa Ormoc, Leyte, kami magpalipas ng Christmas season, kaya lamang binigyan na ako ng schedule ng taping ng Marimar hanggang December 22, at sa December 27, magri-resume na ulit kami. Mapapagod lamang kami kung doon kami magki-Christmas ‘tapos balik din kami agad dito. Siguro, ang mga in-laws ko na lamang ang pupunta rito,” nakangiting sabi ni Richard.

NORA CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: