Marian Rivera feels uncomfortable wearing two-piece swimsuit

Isang solo press conference ang ibinigay ng Regal Entertainment para kay Marian Rivera para sa Desperadas at Bahay Kubo last Friday, ika-30 ng Nobyembre, sa Imperial Suites, Timog Avenue, Quezon City.

More than one hour siyang na-late dahil hindi makalusot ang kanyang sasakyan sa lugar nila sa Boni, Mandaluyong City, kung saan may sunog malapit sa condominium na tinitirhan niya.

“Kaya ginawa ko, inilabas ko ang mukha ko sa sasakyan at nakiusap ako sa pulis. Sabi ko, ‘Manong, ako po si Marimar. May presscon po ako, paraanin ninyo kami.’ Salamat na lamang at nang makilala niya ako, pinadaan na kami. Kaya I’m very sorry po,” ang paumanhin ni Marian sa press na hindi naman siya iniwanan.

Marian Rivera feels uncomfortable wearing two-piece swimsuitParehong entry sa Metro Manila Film Festival 2007 ang kanyang mga movies, na kung saan ay magkaiba ang character na ginampanan niya. Tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung saan siya mas nahirapan?

“Comedy kasi ang Desperadas. Na isa akong swimwear designer kaya lagi akong nakasuot ng two-piece swimsuit, kaya talagang ilang na ilang ako,” ang sagot ni Marian.

“Eh, si direk Joel [Lamangan], gusto niya talaga laging ganoon ang suot ko. Kaya kung minsan, ipinatatanong ko sa wardrobe na baka puwedeng payagan ako ni direk na maglagay ng something para hindi naman ako ma-conscious. At kapag pumayag si direk, bigyan niya ng chocolate. Kaya ako naman ang biniro ni direk, na kung hindi raw pala siya papayag, hindi ko na siya bibigyan ng chocolate. Pero naintindihan din niya ako…sabi ko kasi, talagang naiilang ako, lalo pa at sa big screen na iyon mapapanood,” ang pahayag ng isa sa mga primetime TV queen ng GMA-7.

Dagdag pa niya, “Kahit iyong kissing scene namin ni Will Devaughn, hindi siya pumayag na basta ko lamang hahalikan si Will, kailangan daw may passion. Kaya hayun, nagawa ko rin ang gusto niya sa instruction ni direk.”

Naitanong tuloy kay Marian kung sino ba ang good kisser kina Dingdong Dantes, na katambal niya sa soap nilang Marimar, at Will?

“Mahirap po namang mag-compare, siguro mas okey kami ni Dingdong dahil friends kami. Comfortable na ako na katrabaho siya kaya hindi ako naiilang sa mga kissing scenes namin,” ang mabilis niyang sagot.

Sexy naman siya, bakit siya naiilang magsuot ng two-piece swimsuit? Paano kung may offer na ang mga men’s magazine sa kanya?

Heto ang mahaba niyang sagot.

“Ewan ko po, minsan kasi, feeling ko sexy ako, minsan naman hindi. Kaya sa shooting ko rito, inaalam ko muna kung magsusuot ako ng swimsuit bago ako kumain. Minsan kasi, kumakain ako ‘tapos sabi ng wardrobe, naka-swimsuit daw ako sa susunod na eksena, bigla akong huminto sa pagkain.

“Tungkol po sa men’s magazine, siguro ay puwede naman akong mag-pose ng sexy na hindi naman naka-two-piece swimsuit. Ayaw po yata ng mga viewers na magpa-sexy pictorial ako sa magazine dahil nagpa-text vote noon ang Showbiz Central kung gusto nilang magpa-sexy pictorial ako, 74% ang bumoto na ayaw nila. Happy po ako dahil ang ibig sabihin noon, nirerespeto nila ako kaya ayaw nila.”

Nilinaw din ni Marian iyong issue na may nag-walk out daw sa mga kasama niya sa movie na sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto at Iza Calzado, nang makitang may “and” ang billing niya sa poster ng Desperadas.

Aniya, “To be honest po, ngayon ko lamang nalaman na may ganoon palang issue, dahil kung hindi ako nagsu-shooting sa Bahay Kubo, nagti-taping naman ako ng Marimar. Inaamin ko po naman na dapat ang name nila ang mauna dahil ako naman ang huling pumasok sa showbiz sa kanila. Wala po akong alam sa billing, kaya hindi problema sa akin iyon.”

Ang manager daw niya ang nakiusap kay Mother Lily na isama siya sa drama movie na Bahay Kubo?

“Opo, gusto ko po talaga dahil naroon si Ms. Maricel [Soriano]. Hangang-hanga po kasi ako sa kanya kaya kahit alam kong mahihirapan ako sa schedule, okey lamang sa akin. Hindi po naman ako nagkamali dahil ang bait-bait sa akin ni Ms. Maricel. Tinuturuan niya ako sa pag-arte sa bawat eksena. Siya ang nagsasabi kung mahusay ang acting ko o di kaya ituturo niya kung ano ang mas magandang gawin ko sa eksena.”

Ikinuwento rin niya kung paano niya ginawa ang mga pisikal na eksena sa Bahay Kubo. Medyo sensitive si Marian ukol dito dahil matatandaang nagkapasa siya dati sa afternoon TV series na Muli noong naka-eksena niya si Odette Khan.

“Dito ko rin po naranasan na bago ang eksena, humingi na ako ng sorry kay Shaina [Magdayao] dahil sasampalin ko siya at alam kong tatamaan siya. Noong una, dinaya ko ang sampal pero hindi pumayag si direk Joel, kailangan ko raw tamaan ang pisngi ni Shaina. Alam ko nasaktan siya, kaya pagkatapos ng take, niyakap ko siya.

“Nag-sorry din siya sa akin dahil sinampal din niya ako. Ako po lamang sa anim na magkakapatid na ampon ni Ms. Maricel ang hindi nakatikim ng sampal sa kanya dahil ako iyong pinakamabait, kaya galit sa akin si Shaina na tunay nilang anak ni direk Eric [Quizon] sa story,” ang kuwento pa niya.

When asked kung saang float siya sasakay, pag-uusapan pa raw nina Mother Lily kung paano ang gagawin niya sa Parade of Stars sa December 24.

Ano na ang nabago sa kanyang career after ng Marimar?

“Napaka-blessed ko po. Kung dati ay basta may project lamang okey na, ngayon po ay sunud-sunod ang blessings na dumarating. Bukod sa very successful ang Marimar, heto at may dalawang movies ako sa festival. Nagkasunud-sunod na rin ang endorsements ko. Ni-launch na po iyong PLDT card TV commercial ko at may isa pa akong solo shoot ng Maxi-Peel. May gagawin din po akong isang brand of shampoo pero hindi ko pa lamang puwedeng sabihin.

Nag-start na rin kaming mag-shooting ni Richard [Gutierrez] ng A Very Special Love, ang Valentine’s Day presentation ng GMA Films. Pagbalik po namin ni Dingdong [Dantes] from Las Vegas sa December 6, magda-dubbing muna ako ng Bahay Kubo at alternate na akong magti-taping ng Marimar at shooting ng movie namin ni Richard.”

Hiningan si Marian ng comment tungkol sa issue ngayon kay Dennis Trillo, dahil iisa ang manager nila.

“Ayaw ko pong i-involve ang sarili ko sa issue, personal na iyon at hindi ko naman alam kung ano talaga ang totoo,” pagtatapos ni Marian.

NORA CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: