John Lapus Blog: Sobra

Ang lahat daw ng bagay na sobra ay masama.

Maski sa pagkain. Pag sobrang tamis, diabetes. Sobrang alat, sakit sa bato. Sobrang taba, high blood. Sobrang asim, ulcer.

Sa Bible, nakasulat din na masama ang sobra. Sobrang libog, lust, at sobrang takaw, glutony.

Sa buhay. Sobrang pahinga, tamad daw. Sobrang work naman, sakit. Sobrang away, umaabot daw sa patayan. Sobrang ma-in love kapag nawala, sobrang sakit.

Sa showbiz. Sobrang hype, flop. Sobrang sinungaling, flop or demanda. Sobrang honest, demanda pa din or kaaway.

Yung ibang lalaki sa sobrang gwapo, mayabang. Yung mga sobrang gwapong call boy, sobrang mahal. Hahaha.

Sobra ka sa inom, alcoholic. Sobra kang sad, depression.

Alam ko naman na everything we do, dapat in moderation. Maski sa commercial ng alak sinasabi ‘yan. Pero minsan, hindi ko talaga mapigilan na maging sobra.

Sobra akong nagalingan kay John Lloyd sa One More Chance. Yung eksena pa lang na nagpupunta siya sa bahay ni Bea para lang makita after their breakup, sobra na akong umiiyak. Todo na. Nananawagan po ako sa Star Cinema na isama ako sa next movie ni John Lloyd. Serious.

Sobrang nagandahan ako sa trailler at cinematography ng Batanes nina Ken Chu at Iza Calzado. Nananawagan na din ako ng sobra sa GMA na bigyan ako ng second show. Nakapagbayad na ako ng mga utang ko in the past one year na nasa GMA ako, pero hindi ako masyadong nakakaipon. Sapat lang ang sweldo ko sa Showbiz Central sa sobrang mahal ng bilihin.

Naloka ako ng sobra sa UST ngayon. Sobrang higpit. Nauna pa ang UST sa curfew na nangyari last Friday. Kailangan lumabas ng mga students sa mga building by 9:00 p.m. Kailangang wala na sa UST premises ang mga students by 10:00 p.m. Lahat ng letters, even solicitation letters ng mga organization, kailangang dumaan din sa Office of Student Affairs. Kahit magpa-reserve nang advance sa mga auditoriums ang mga student org, pero gagamitin ng administration, fly ka. Yung ibang students, Bahay ni Kuya ang tawag sa UST. Sobrang takot ang mga student organization ngayon sa OSA. Kung magre-rehearse sila sa labas, dapat may written request sa OSA, kahit nagpaalam na sila sa mga parents nila. ‘Pag holiday, hindi pwedeng pumasok ang mga students sa UST. Sad. Eto pa, sobra akong nagulat sa reason kung bakit pinag-resign daw ng head ng mga Dominican Priest sa Vatican ang ibang pari ng UST. Kaloka kasi pera daw ang dahilan!

Sobra akong stressed ngayon dahil malapit na ang playdate ng Twosome sa UST, kasi nga 6:00 p.m. to 9:00 p.m. lang kami nagre-rehearse. Yung Welcome to Intestar, sa labas ko na nire-rehearse. Huwag mag-panic ang OSA kasi mga honorary members na po ng Teatro Tomasino ang cast ko doon. Sana umabot in time for our playdates on Decemcer 11 to 13. Ok lang na ma-stress ako sa Teatro Tomasino kasi sobra kong mahal ang theater guild na ‘yan. Kaya sobra akong nalungkot na nagsa-suffer ang artistic value ng play namin dahil lang sa curfew.

Sobra akong naiinggit ‘pag nakikita ko ang mga friends kong bakla na may jowa. Yung iba, alam ko naman na pera or career lang ang habol ng mga jowa nila sa kanila, pero at least sila, meron. Maganda naman ako ‘di ba? Hahaha. Sabagay, wala akong pera. Hahaha.

Sobra akong na-touch nang matanggap ko ang wedding invitation nina Vandolph at Jenny. Hindi naman kami masyadong close. Sobrang na-appreciate ko talaga.

Sobra akong nalito sa Aliw Awards last Tuesday, November 27. Nominated daw ako pero hindi pala. The day itself na lang ako na-invite pero pagdating ko naman doon, e, wala naman masyadong artista. So I wonder bakit late ako nasabihan. Some winners, wala doon. Dalawang beses nga ako pinag-present ng award. But sobrang thankful pa din ako sa Aliw Foundation dahil pinanalo nila ako noong 2005 as Best Stand-up Comic (male). Sobrang thanks po.

Sobra ang saya ko pag mataas ang ratings ng Showbiz Central. Watch kayo every Sunday kasi sobra naming ginagandahan para sa inyo.

Sobra akong nalilito. Gusto ko palagi na magsabi ng totoo pero ayaw ko namang masabihang mayabang at masama ugali. Sobrang hirap.

Naisip ko, may mga bagay din naman na kahit sobra, e, ok naman. Sobrang honest ako. Yes, sometimes I get into trouble at sometimes, may nasasaktan. But at least, nakakatulog ako ng mahimbing. Sobra ang faith ko kay God. To the point na nilalagay ko ang mga religious beliefs ko sa blog na ito. To the point na may nati-turn off.

Sobrang possessive daw ako sa kaibigan. Yung iba, nawawala pero mas madami ang dumadating. Hindi ako masyadong nagsasabi ng “I Love You” sa mga taong mahal ko pero sobra yata ako magmahal. As in ‘pag nawala sila or nagkaroon ng kahit maliit na fault sa akin, nasasaktan ako at nagagalit. Pero knowing na sobra ko silang minahal helps me to easily forgive them. Minsan, sobrang maramdamin ako. Pasensiya na pero ‘yan ang sobrang totoo.

Sobra akong napi-pressure para magustuhan niyo ang blog ko. Kayo eto at bawi ako sa pagsagot ng mga tanong niyo.

JOHN LAPUS< Korek ka John!
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: